Kobrador, kabo bigyan ng ibang trabaho–Jinggoy

MATINDING  hinamon ng isang senador si DILG Undersecretary Rico Puno na ilantad ang planong mabibigyan ng alternatibong hanapbuhay ang lahat ng tauhan na maapektuhan sa pagsugpo ng jueteng sa bansa.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, kailangan ilatag muna ni Puno ang sinasabi niyang alternatibong hanapbuhay sakaling paigtingin ng administrasyon ang kampanya laban sa lahat ng illegal number games tulad ng jueteng.

“Dapat mabigyan sila ng alternatibong hanapbuhay. Iyon lang ang pinagkakakitaan nila. Kasi kung walang alternatibong hanapbuhay, mas dadarami ang problema ng pamahalaan dahil baka maging kriminal ang mga iyan, magnakaw, mang-hostage, sumanib sa sindikato ng droga o kriminal,” ayon kay Estrada.

Kamakailan, inihayag ni Puno na nagbubuo ng pamamaraan ang administrasyon upang mabigyan ng alternatibong hanapbuhay ang maapektuhang mamamayan sa paiigtingin na kampanya laban sa jueteng.

“Dapat nang gawing legal ang jueteng kasi sa pagtataya noon ni dating Pagcor Chairman Alice Reyes, aabot sa P2 bilyong ang kikitain ng pamahalaan kapag naisalegal ang jueteng. Bukod dito, mabibigyan pa ng dignidad ang hanapbuhay ng mga kubrador at mapupunta sa pamahalaan ang kikitain dito,” ayon kay Estrada.

Umiinit ngayon ang isyu ng jueteng matapos ibulgar ni Archbishop Oscar Cruz na dalawang malalapit na opisyal ng Aquino administration ang tumatanggap ng mahigit P2 milyong payola mula sa gambling lord kada buwan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply