Kongreso ‘naisahan’ sa P1.6-T badyet

TINALIAN ng administrasyong Aquino ang kamay ng Kongreso na mapag-aralan, mabusisi at masiyasat ng mga mambabatas ang P 1.645 Trillion Reform Budget ng 2011 sa hindi paglalagay sa kabuuang “expenditures” o pagkakagastusan.

Sa press conference ng Minorya kahapon, tahasang sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman na naiipit ang Kongreso sa 2011 General Appropriations Act  na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa hindi pagpapalutang sa P711.5 bilyon o 45 porsiyento ng kabuuang expenditures program.

Nilinaw din ng kongresista na ang kabuuang P1.6 trilyong pondo para sa 2011 ay nakasaad sa “budget message ng pangulo subalit wala sa principal document o sa national expenditures program”.

Tanging ang P933 bilyon sa kabuuang P1.6 Trilyon ang malinaw na nakasaad sa panukala na ngayon ay kinukwestyon ng minorya.

“That is not the case. Congress has the right to review even the automatic appropriations.  It is obvious they wanted to demean the power of Congress to appropriate and to review expenditures,” binigyang diin pa ni Lagman.

Ipinaliwanag pa ni Lagman na kailangang repasuhin ng Kamara ang aniya’y itinatagong P711.5 bilyon kahit ito ay itinuturing na automatic appropriations.

Dahil dito, inudyukan ni Lagman ang House Committee on Appropriations na baguhin o itama ang General Approriations Bill sa pamamagitan ng pagpapalutang o paglalagay ng kabuuang pagkakagastusan o expenditures kabilang ang “new appropriations, continuing appropriations, automatic appropriations, at iba pang alokasyon.”  Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply