Kongreso yuko sa Korte Suprema

WALANG dahilan upang makipagmatigasan ang Kamara sa Supreme Court.

Ito ang nilinaw kahapon ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte matapos magmatigas sina Deputy Speaker Erin Tañada at Iloilo Rep. Neil Tupas, chairman ng House Justice Committee na dapat ituloy ang impeachment sa kabila ng “status quo ante ortder” ng SC.

” Huwag yung sa una kaagad para lumaban.  There’s plenty of time for that if ever it becomes necessary.
The Chairman of Justice Committee looks at this from his point of view but I look at it at the overall point of view.  I have made my viewpoint clear that it is still premature to be quarrelling over anything,” paliwanag ni Belmonte.

Bagama’t nilinaw niyang walang marching order na dapat matuloy ang impeachment proceedings sa Kamara laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sinabi ni Belmonte na ” as a courtesy to a co-equal branch of government, we shall in the meantime, abide by the Court’s order,”

Sa tanong kung itutuloy ng komite ang pagdinig sa impeachment na nakatakda sa September 28 at 29, isinagot ni Belmonte na  mag-aantay muna siya.

“Bakit naman ako kikilos ngayon. Tingnan muna natin what is going on 10 days pa yan, tagal tagal pa niyan. For all you know baka ma-resolve yan before that date,”  wika ni Belmonte.

Kahapon ay dinaluhan nina Belmonte at Senate President Juan Ponce-Enrile ang ceremonial handover ng “The Other Millenium Development Report” ng Social Watch Philippines sa Kamara.

Matapos ang programa ay ipinahayag ni JPE sa mga mamamahayag na hindi sila mas mataas sa batas kaya dapat silang sumunod sa desisyon ng Korte Suprema na pansamantalang suspindihin ang pagdinig sa kaso laban kay Gutierrez.

“There’s a very delicate and elaborate system of checks and balance so when the SC says we are issuing a TRO ordering you to maintain the status quo before the fact of filing the petition, they are simply saying give us time to study the case, it does not mean they have made up their minds,” paliwanag nito.

Nagbabala naman si Minority Leader at Albay Rep. Edcel Lagman na magkakaroon lamang ng constitutional crisis kung susuwayin ng liderato ng Justice committee ang kautusan ng SC. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply