Kontratuwalisasyon sa mga obrero ibabawal na

ISINULONG ng isang neophyte congresswoman ang isang panukalang batas na magbabawal sa contractual o casual employees.

Nakapaloob sa House Bill 3402 na pangunahing inakda ni DIWA Partylist Rep. Emmeline Aglipay na magkakaroon ng security of tenure sa kanilang mga trabaho ang lahat ng manggagawa sa buong kapuluan.

Binigyang diin ni Aglipay sa kaniyang privilege speech bago tuwirang inihain ang nabanggit na panukala na panahon na upang magkaroon ng seguridad sa trabaho ang bawal Pilipino upang matiyak ang katatagan ng kanilang pamumuhay.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na bagama’t nagpapatupad ng flexible labor practices ang ilang industriya ng paggawa sa bansa ay nakararanas pa rin ng “distressed conditions” kung kaya marapat lamang na unahin ang regular employment.

Sinabi pa ni Aglipay na ” hindi magkakaroon ng matatag na pundasyon ang bawat pamilya lalo na ang pagsasama ng mag-asawa kung mabuway ang kanilang aspetong pinansyal.

Binanggit pa ng kongresista na maraming pamilya ang nasisira dahil sa kawalan ng matatag na income na nagreresulta pa sa paghihiwalay ng mga mag-asawa.

Sa ganitong sistema aniya ng paggawa ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga ganid na employers na pagsamantalahan ang manggagawa kung kaya nauuwi ito sa kontraktuwalisasyon o casual employees.

Malaki ang pag-asa ni Aglipay na sa pamamagitan ng nabanggit na panukala ay magiging matatag ang sektor ng paggawa sa bansa.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply