Kooperasyon sa Spratlys iprayoridad—PNoy

ISINULONG ni Pangulong Aquino ang pagtutuwang ng pribado at publikong sector bilang epektibong sistema sa pag-unlad hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong rehiyon ng ASEAN kasabay  ng pagtiyak ng kapayapaan kaugnay ng isyu ng pag-angkin sa  Spratlys Island.

Tiniyak ng Chief Executive na handa ang Pilipinas na gawing makatotohanan  ang kaugnayan sa ASEAN sa pamamagitan ng public-private partnership na pangunahing prayoridad ng kaniyang administrasyon.

“Forging public-private partnerships to address development issues is a key priority of my administration and I believe these partnerships will make the connectivity initiative in ASEAN a reality,”  wika ni  Pangulong Aquino sa harap ni US President Barack Obama at ASEAN leaders.

Inaasahan umano ng ASEAN na sa pagpupulong ng organisasyon sa susunod na buwan ay maiprisinta na ang Master Plan para sa ASEAN Connectivity.

Sinabi pa rin niya na ang pagpupursige ng ASEAN na paigtingin pa ang kooperasyon ay nasa gitna ng “crucial time.”

Napag-alaman na isa sa mga ipinaabot na isyu ni Aquino sa ASEAN-US summit sa New York ay ang isyu sa Spratly Island kung saan hangad umano nito na gawin ng China ang papel bilang regional superpower at hindi lamang upang angkinin ang buong isla sa South China Sea.

Nauna rito, tinawagan din ng pansin ng Punong Ehekutibo ang mga kasamahang lider sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na resolbahin sa mapayapang paraan ang usapin sa pinag-aagawang Spratly Island sa South China Sea.

Natalakay ng Chief Executive ang isyung ito sa ASEAN-US summit na ginanap sa New York nang mismong si Obama ang nagsimula ng usapin ukol sa Spratly kung saan isa ang Pilipinas sa mga umaangkin nito.

Tiniyak  ng Pangulong Aquino na nananatiling committed ang Pilipinas sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Suportado ng kaniyang administrasyon ang pagkakaroon ng formal code para sa South China Sea kung saan dapat umano sundin ng mga bansang nag-aagawan sa Spratly Island ang diplomatic process upang malutas ang usapin. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply