Korte Suprema susugurin ng Kamara

INATASAN na ni House Speaker Feliciano Belmonte ang Legal Department ng Kamara na maghanda ng mosyon na ihahain sa Korte Suprema bilang tugon sa ibinaba nitong “status quo ante order” sa sandaling matanggap ang kopya ng Kamara.

Sa kaniyang Lingguhang Press conference, sinabi ni Belmonte na makabubuting ipaliwanag din ng Kamara ang panig nito ngunit hindi nangangahulugan na babalewalain ng Kamara ang kautusang ito ng SC.

“I think it is more judicious to file a reply or whatever is called for.  Maybe conditionally we will said that we still protest the fact that you are intruding to our territory but still it is better that they have some ideas of our position,” ayon kay Belmonte.

Pinaalalahanan din nito si Iloilo Rep. Neil Tupas na maghinay-hinay sa pag-akto sa desisyon ng SC dahil hindi aniya komprontasyon ang dapat na itugon dito ng Kamara.

“It is a long time from now, let him (Tupas) wait. Nagbabasa siya siyempre ng diyaryo he would know that it is not my idea to have confrontation in all of these,” paglilinaw pa ni Belmonte.

Tahasang sinabi rin ni Belmonte na hindi handa ang Kamara na harapin ang anumang contempt charges na maaaring isampa ng SC sakaling magmatigas ang Malaking Kapulungan at ituloy ang pagdinig ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Nauna rito ay nanawagan si House Majority Leader Neptali Gonzales sa Korte Suprema kung nakapaglabas ito ng desisyon ukol sa pagpapahinto sa impeachment proceedings sa loob ng 24 na oras ay makabubuting resolbahin na ang usaping ito bago pa man maakusahan ang Korte Suprema ng pagbibigay proteksyon kay Gutierrez. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply