Kotse nagliyab dahil sa celfon

DAVAO-Hindi akalain ng isang lalaki na ang pagsagot niya ng tawag sa kanyang cellular phone ang maglalagay sa peligro sa buhay nilang mag-asawa nang magli-yab ang sinasakyan nilang SUV habang nagkakarga ng gasolina.

Sa police report na nakarating sa tanggapan ni PNP-PIO chief Col. Agrimero Cruz, naganap ang insidente bandang alas-6:15 ng gabi  sa Petron gasoline station sa Estra-da 6th Street ng naturang lungsod.

Nagpapagasolina umano ang mag-asawang Guillermo at Virginia Ceniza nang mag-ring ang cellphone ng una na agad naman nitong sinagot. Mabuti na lamang at mabilis na nakababa ng behikulo ang mag-asawa at agad ding naapula ang apoy bago pa tuluyang maabo ang sasakyan. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply