Kredibilidad

MAHIRAP maghintay sa wala. Ngunit mas mahirap umasa sa walang aasahan.

Hindi maikaila ang pagkadismaya ng sporting community sa anila’s kawalang kredibilidad ng Strategic Edge – isang pribadong publicity, events and promotion company – na pakner umano ng organizer ng MILO Marathon.

Sa hindi pamilyar sa MILO Marathon, ang naturang running event ay maituturing na alamat, makasaysay at tradisyon na sa mga Pinoy at dayuhang marathoners, maging simpleng health buff.

Sa pagsisimula ng torneo sa pamamagitan ng Manila elimination, taas noo ay may yabang na ipinahayag ng Strategic Edge representative ang pagsasagawa ng ‘photo at sportswriting contest’ para sa mga mamamahayag na regular na nagko-kober ng marathon event.

Ang naturang photo/writing contest ay isa na ring tradisyon na sinimulan ng Fuentes Publicity – ang dating grupo na siyang nangangalaga sa promosyon ng MILO Marathon.

Sa hindi inaasahang kadahilanan o yaong tinatawag na ‘business move’ nawala sa picture ang Fuentes at dumating ang Strategic Edge.

Ngunit, sa maagang panahon, tila masasabing nagkamali ang MILO organizers. Bakit kamo! sa hindi pagtupad sa pangako hindi ang Strategic Edge bagkus ang kredibilidad MILO marathon ang masisira.

Nitong Hulyo dapat inilabas ang resulta ng naturang contest, ngunit magsisimula na ang buwan ng Oktubre wala pa ring resultang nagaganap. Nagpakahirap ang mga reporter na magsumite ng kanilang lahok at gumasta ang mga photogs para sa larawan na akala nila ay papupurihan.

Isa lang ang hiling ni Clyde Mariano ng Tempo – ang beterano at itinuturing ‘The Quickiest Man Alive’ sa mundo ng sportswriting —  sabihin ang totoo upang hindi umaasa sa wala ang mga nagtiyagang nagkober at lumahok sa MILO Marathon sportswriting/photo contest.

‘Yan ay kung may pagpapahalaga ang Strategic Edge sa salitang KREDIBILIDAD.

***

TULOY-TULOY na ang ginagawang konstruksiyon sa makasaysayang Rizal Memorial track oval.

Ngunit, kung dati’y lungkot ang mababakas sa mga atletang Pinoy, abot-tainga na ang ngiti ng pamosong ‘GTK Army’.

Paanong hindi magsasaya ang mga bataan ng kontrobersiyal na si Go Teng Kok, eh! maibabalik na ang ensayo ng mga atleta sa throwing event tulad nina SEA Games record holder Arnel Ferreira sa hammer throw at Laos SEA Games champion Danilo Fresnido sa Javelin.

Balik din sa ensayo ang mga long jumper at triple jumper, sa pangunguna ni SEA Games record holder sa long jump na si Henry Dagmil.

Ang naturang mga atleta ay tila mga iskwater na pinatalsik sa oval matapos ipasira ni dating chairman Harry Angping ang football field area ng oval upang bigyan daan ang pagsasayos ng venue upang bigyan daan ang ensayo ng La Salle football team.

Nakausap na ng bagong PSC leadership ang La Salle at pumayag ang huli na rebisahin ang MOA na nilagdaan ni Angping para hindi maagrabyado ang mg atleta.

Ayon kay PSC Executive Director Dina Bernardo ‘carabao’ at hindi na ‘synthetic’ ang damong ilalagay sa oval.

Well done Madam!.

Para sa komento at suhestyon, ipadala sa zea19ker@yahoo.com. Edwin Rollon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply