Kris Aquino nagsising walang pre-nuptial agreement

SI MARIEL Rodriguez ang pinaka-swerting babae sa showbiz ngayon kasi pinakasalan siya ni Robin Padilla with no pre-nuptial agreement. Si Robin pa mismo ang mag-announce sa media that they didn’t sign any prenup proving to everyone na ganoon niya kamahal si Mariel dahil hindi niya man inisip na magkakahiwalay sila someday.

Sa lahat ng TV guestings nila together ay kitang-kita kung gaano sila kasaya at ka-in love sa isa’t isa. Para silang mga bagets na ngayon lang nakaranas ng first love. Sana nga magtagal na sila panghabambuhay!

Kasi bigla naming naisip ang nangyari sa estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap na naghiwalay rin after 5 years of marriage. At balitang hindi rin sila nag-sign ng isang prenup. Ngayon ay nagkakagulo sila dahil sa magiging hatian ng conjugal properties. Ang tsika, James will be gain several million pesos.

Iba-iba nga ang kapalaran ng mga tao. Hopefully the Robin-Mariel marriage will last a lifetime!

***

Isa pang napaka-swerteng nilalang ay si Angelica Panganiban sa pagkakaroon ng isang boyfriend tulad ni Derek Ramsey. Aba para sa kanilang 4th anniversary ay binigyan siya ni Derek ng a pair of diamond earrings na 5 carats. Bago ito ay matatandaan na niregaluhan na rin siya ni Derek ng orange Hermes bag at isang Mini Cooper.

Tulad nang dati ay pinuna na naman ng ilan ang pagiging super galante ni Derek sa kanya. At tulad din nang dati ay pinatulan na naman niya ang mga kibitzers sa kanyang tweeter account at tinawag niya ang mga ito na “inggetero!”

Katwiran ni Derek hard earned money ang pinambibili niya ng mga expensive gifts niya kay Angelica kaya wala nang paki ang iba kung ano ang gusto niyang ibigay sa GF niya na obviously ay mahal na mahal niya.

Let them be, people!

***

Kung si Marco Morales ang tinatawag na Frontal King, si Charles Delgado naman ang matatawag na Frontal Prince dahil lahat ng nagawa niyang indie film ay pawang may frontal nudity siya. Pinakauna niyang ginawang indie ay ang “Booking” kung saan naintriga pa siya noon bilang menor na edad pero pinaghubad na kaagad sa pelikula. Pero ang totoo, 18 years old na siya nang ginawa niya ‘yun.

Kilalang-kilala siya sa Pinoy gay community dahil sa mga sunud-sunod na ginawa niyang indie films na “Booking”, “Boylets”, “Bigasan”, “S.R.O.”, “Indie Boys” at “Pagnanasa”. May tatlo pa siyang indie films na iapapalabs pa lang, ang “Xcena”, “Ang Lihim Ni Adonis” at “Sa Piling ng mga Nympha” na pinagbibidahan ni Lily Montelibano na aminado niyang crush niya.

Sa celebrities ay crush niya ay si Charice Pempengco at ang idol niya ay ang Holywood actor na si Tom Hanks. Twenty years old na siya ngayon at gusto naman niyang maranasan ang lumabas sa teatro. Napanood niya ang stageplay na Shock Value sa UP Guerrero Theater last Friday na pinangungunahan nina Mylene Dizon, John Lapus, Andoy Ranay at Orlando Sol at naengganyo siyang sumubok naman sa teatro.

***

Na-outcast na si Myka sa Survivor Phils Celebrity Showdown kaya balik na siya sa Bubble Gang ngayon. Special guests sina Rocco Nacino at Michelle Madrigal this week at makakasama sila Muntik Na Ako gags at Ang Paglilitis sketch. Ipapakita kung pano maging Polite Drinkers at Kanino Sisipsip. Sino si Cheche at bakit Puro Pang-Bading ang kanyang attire sa kanyang Honeymoon? Nandiyan din ang paboritong regulars na Sumbong2 at Moymoy. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply