Kris Aquino sinibak sa Pilipinas Win na Win

FOR THE RECORD, sigurado na, huling linggo na ni Kris Aquino  ngayon sa Pilipinas, Win na Win! Sa Biyernes, October 1, ang huling araw niya bilang main host ng programa.

Mismong si Kris na ang namalita tungkol sa isyu. Sigurado, inunahan lang niya ang ABS kasi nga lumalabas na sinibak siya. But no matter how Kris re-word everything, maliwanag that she was axed from the show, sinibak ‘ika nga.

Sabi kasi niya, I didn’t quit, I didn’t resign, they asked me to leave.

How’s that again?

“Friday is my last day on Win na Win. It was a good work & learning experience for me, but it’s time to go…” saad ni Kris sa kanyang Twitter account.

Sa sumunod na post ni Kris ay nilinaw niya na hindi siya nag-resign o nag-quit.

Aniya, “May I just clarify —I didn’t resign or quit. I was asked to leave Win.. to make room for new male hosts. I’m honest and humble enough to not lie about the situation.”

Nagsimulang umere ang Pilipinas, Win Na Win! noong July 31, 2010. Ito ang pumalit sa timeslot ng dating noontime show ni Willie Revillame na Wowowee.

Sina Kris at Robin ang main hosts ng programa. Kasama nila ang dating co-hosts ng Wowowee na sina Pokwang, Valerie Concepcion, at Mariel.

Isang linggo pa lang magmula nang umere ang Pilipinas, Win Na Win! ay nagpaalam si Robin para mag-leave of absence ng dalawang linggo.

Pagkatapos ni Robin ay sumunod na nag-leave of absence si Mariel. Sinundan ni Mariel si Robin sa India kung saan sila nagpakasal noong August 19.

Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa show sina Robin at Mariel. Pansamantala silang pinalitan ng mga comedians na sina Chokoleit, Pooh, at Jayson Gainza.

Ayon pa sa Twit ni Kris, after this week ay may mga isu-shoot siyang commercials. Habang hinihintay niya ang script sa gagawin niyang pelikula para sa Star Cinema, ang Dalaw, gagamitin daw niya ang panahon upang makapagpahinga at makapagdasal.

Isang statement ang ipinadala ni  Bong Osorio, ang head ng Corporate Communications department ng ABS-CBN. Sinabi niya na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison and Nonoy Zuniga ang apat na male hosts na magiging parte ng Pilipinas, Win na Win! Kinumpirma rin nito na sa Biyernes, October 1, nga ang huling araw ni Kris bilang host sa naturang programa. Ito ang buong statement na pinadala ng Kapamilya Network:

“October 1 ang huling araw ni Ms. Kris Aquino sa “Pilipinas Win na Win.”  Nagdesisyon ang management na subukan ang isang bagong kumbinasyon ng mga host sa programa. Ang Hitmakers na kinabibilangan nina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuniga ay sasamahan sina Pokwang at Valerie Concepcion sa  Pilipinas Win na Win sa October 2 upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng aliw, tuwa, laro at pag-asa sa mga Pilipino sa buong mundo.” Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply