Krista Ranillo, magpapakasal sa Pinas kahit may anak na

ANG HINDING-HINDI makakalimutan ni Krista Ranillo ay ang pagpapakasal sa simbahan sa Pilipinas sa isang taon kahit na siya ay magkaanak na.

Ito ang isinumpa ng aktres sa kanyang pamilya at sa kanyang talent manager na si Arnold Vegafria.

Sinabi ni Arnold na sa isang taon ay darating si Krista para pamahalaan ang kanyang church wedding sa bansa.

Matatandaan na nakipagtali na ng puso ang aktres sa isang Fil-Am na may mataas na katungkulan sa isang department store sa Estados Unidos.

Pero ang hindi papalagpasin ni Ranillo bilang Katoliko ay ang paglakad sa altar sa simbahan.

Naghahanda na siya sa pagsisilang kahit na malayo pa ang kanyang kabuwanan.

Isang surpresa ang kanyang padatal sa Pilipinas kaya naman mamamangha ang lahat, ayon kay Vegafria.

***

Samantala, sosyal naman si Jerrald Tarog, ang musical director ni Brillante Mendoza at isang filmmaker ng mga feature film at mga short film.

Direktor na ng Regal Entertainment si Jerrald at nagsu-shooting na siya ng kanyang pambato sa 2011 Metro Manila Film Festival Philippines.

Kasama si Tarog sa tatlong direktor na may kabanata sa “Shake, Rattle and Roll” ng Regal Films.

Napag-alaman namin ang mahalagang balitang ito sa seksing aktres na si Althea Vega na bida sa “Halik sa Tubig” ni Bong Ramos.

May shooting na si Althea kay Jerrald at ipiangmamalaki niyang hinahawakan siya ng misang mahusay na filmmaker.

***

Ang isa pang magaling at batang filmmaker ay si Sheron Dayoc na lumaban sa Venice International Film Festival kamakailan sa Italy para sa “Halaw” pero parang walang napanalunan.

Pero sa darating sa Pusan International Film Festival sa South Korea sa October 7, 2010 sa pagbubukas nito ay lalaban sa main competition ang “Halaw” na pinagbibidahan nina Maria Isabel Lopez at John Arcilla kasama ang mahuhusay na actor at aktres na Muslim at mga Kristiyano.

Sa ika-25 naman ng Oktubre, 2010 ay lilipat sina Sheron, Maria Isabel at John sa Tokyo International Film Festival sa Tokyo, Japan para sa isa pang main derby.

Sana ay makamtan na nina Dayoc ang tagumpay rito sa pamamagitan ng kanyang pelikula tungkol sa human smuggling sa high seas ng Sulu patungong Malaysia.

Nagwagi na sa 2010 Cinemalaya Independent Film Festival ang “Halaw” kaya naman makakasigurong mahusay ito.

***

Nakaka-touch naman si Maribel sa pagdalaw sa beteranong peryodistang pampelikulang si Rino Fernan Silverio na nakaratay sa banig ng karamdaman sa Philippine Heart Center.

Matalik na magkaibigan sina Lopez at ang anak ni Rino na si Robert Silverio na isa ring movie writer.

Si Perla Bautista ay nakadalaw na rin.

Mabuti-buti na ang pakiramdam ni Fernan Silverio.

Samantalang may hepatitis pa rin ang entertainment writer na si Arthur Quinto at nangangailangan ng tulong.

Nangako na si Azenith Briones na ilalapit si Arthur kay Lito Lapid.

Ang dating patnugot na si Dennis Aguilar ay inoperahan din pala sa may pantog. Idinadalangin ng mga taga-showbiz ang maaga nilang paggaling. Extra! Extra!/Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply