Kung si Binay ang nasa DILG, walang krisis–Chiz

NANINIWALA si  Sen. Francis “Chiz” Escudero na kung si Vice President Jejomar Binay ang naitalagang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILFG) wala sanang krisis at  at wala ring kahihiyan ang mararanasan ng bansa.

Ayon kay Escudero,  malawak ang karanasan ni Binay sa paghawak ng katulad na sitwasyon dahil marami nang krisis ang pinagdaanan ng dating alkalde ng Makati City tulad ng hostage taking na kanyang nalampasan nang walang namatay.

“Sa pagkakaalam ko malawak ang karanasan ni Vice President Binay noong siya ay mayor pa kugnay sa maraming hostage crisis na naganap sa Makati na karamihan o hindi man lahat ay naresolbahan ng mapayapa at walang nasasaktan,”  wika ni  Escudero.

Matatandaan na naunang umugong sa politika na maitatalaga si Binay bilang kalihim ng DILG ngunit nakopo ito ni dating Naga City Mayor Jesse Robredo.

Sinuportahan naman ni Escudero si Binay sa pamamagitan ng pamosong Noy-Bi noong nakaraang eleksiyon.

Aniya, kung personal na hinawakan ni Robredo ang krisis bilang pinakamataas na opisyal na puwedeng humawak nito, nagkaroon ng kaliwanagan ang taumbayan  at nagkaroon ng boses ang sitwasyon na siyang magpapahupa sana sa emosyon na nilikha ng madugong hostage drama.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply