Kuya Germs awang-awa kay Nora Aunor

AWANG-AWA  si Kuya Germs sa kaibigan na si Nora Aunor sa nangyayari sa kalagayan nito ngayon na habang tumatagal nga raw ay parang hindi na paganda ng paganda ang pagsasalita ni Ate Guy.

Kung noon ay medyo mahaba-haba ang pagsasalita ni Nora, aba, ngayon daw ayon sa ating tsismosang kapitbahay ay tila hirap na hirap na itong nag-iisang Superstar sa kanyang pagsasalita.

Kaya naman hindi daw kaya ni Kuya Germs na makita na ganun ang kalagayan ng kaibigan na si Ate Guy.

Bukod sa hindi na nga makakanta ay hirap na rin itong magsalita at tumatagal na lang daw ng 30 seconds ang pagsasalita ni Ate Guy.

Kaya graveciuous daw ang epekto ng ginawa niyang pagpapa-enhace ng mukha kaya pinaplano ng kampo ni Ate Guy na buweltahan ang clinic na gumawa ng operasyon sa kanyang face sa Japan.
Marami ngang naiyak na fans sa naging kalagayan ng boses ng nag-iisang Superstar na siya pa namang puhunan nito.

Gagawa daw ng kaukulang aksyon ang lahat ng mga nagmamahal kay Ate Guy para lang daw maibalik dito ang boses na naging puhunan din niya ng mahabang panahon.

Umaasa naman ang lahat ng mga nagmamahal kay Ate Guy through prayers ay maibabalik ang nawala nitong boses.

Malabo na raw na makipag-tsika-tsika ng mahaba- habang kuwentuhan dito sa Superstar dahil sa pagsasalita nga raw nito ng 30 seconds ay nahihirapan na ito.

‘Yun na!

ERIK SANTOS, HINDI IKINAKAHIYANG NAGING FANS SIYA NI MEGASTAR

Walang keber at walang kagatol-gatol na ipinahayag ni Erik Santos na naging fans siya ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Aminado din ang singer na noon pang bata ay idol na niya itong si Shawie kaya naman hindi siya makapaniwala na makakasama niya ito sa isa sa tatlong show ng megastar na si Sharon.

Pag-amin pa nga ni Erik ayon sa aming tsismosang kapitbahay na halos lahat daw ng CD album at kahit tapes recording album ni Sharon ay kumpleto daw ang singer.

Gravecious naman daw sa pagiging fans itong si Erik kaya naman nang ialok sa kanya itong project na magkakasama sila ng kanyang idol ay hindi na ito nagdalawang isip pa at talagang grab to the max si Erik.

Makakasama nga ni Erik ang idol na si Sharon sa bago nitong show na Star Power na isa naman talent search ng Kapamilya.

May ganun?

CELINE SUNTAY, PANG BEAUTY QUEEN ANG ARRIVE

Hindi naman kataka-taka kung masungkit ni Celine Suntay ang pagiging Miss Congeniality sa katatapos na beauty contest sa UST kung saan ay malapit na maging degree holder ang isa sa mga Kaibigang Muska who is taking up Psychology.

Proud na proud naman kanyang mother-producer-manager na Ate Mench sa pagkakapanalo ng anak sa pagiging Miss Congeniality.

Kuwento ni Celine na kahit noon pa man ay talagang isa siya sa napipisil para ilaban sa beauty contest.
At hindi naman bigo ang department na nire represent ni Celine at lagi na lang itong may titulo na nakukuha.

Kaya naman hindi lang taga mga classmate sa Psychology course ang proud na proud dito kay Celine ultimo ang buong UST ay giliw nagiliw dito sa isa pambato ng Kaibigan Muska.

Bonggacious! Congrat’s! Inbox/Jovi Lloza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply