Laban para kay Arum

NANGAKO si seven-division titlist and WBO welterweight (147 pounds) champion Manny Pacquiao na alay niya sa yumaong si John Arum at sa buong pamilya nito ang kanyang laban kay ex-champion Antonio Margarito sa Nov. 14 sa Dallas Cowboys Stadium para sa WBC vacant junior middleweight (154 pounds) title.

Ayon sa 31-anyos na si Pacquiao (51-3-2, 38 knockouts), ang laban niya sa HBO pay-per-view ay para sa 49-year-old na anak na lalaki ng kanyang promoter na si Top Rank Promotions CEO Bob Arum.

Ayon sa adviser ni Pacman, hiniling mismo sa kanya ni Manny na iparating ito sa pamilya at kay Arum mismo habang nagluluksa pa rin ito.

Una nang nasawi si John nang magtangkang umakyat sa Storm King Mountains subalit nadupilas, nahulog at naging dahilan ng agaran nitong kamatayan kung saan inabot pa ng limang araw ang paghahanap sa bangkay nito.

Samantala, si Bob Arum ay sumasabak na sa promotional tour ng grupo kahit na nagluluksa pa rin ang kanilang pamilya sa pagkamatay ng kanyang mahal na anak na lalaki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply