Lakers, Heat magkakasubukan

SUSUKATIN ni Kobe Bryant at ng Los Angeles Lakers ang tatag ng mga bagong team na nagbabantang agawin ang kanilang korona sa susunod na NBA season.

Ayon sa team, malalaman na nila kung anong mayroon ang grupo ng Miami Heat sa opening.

“There will be times when they’re the toast of the town and everybody is focused on them, and that’s fine,” pahayag ni Lakers point guard Derek Fisher habang nakangiti. “With the type of maturity we have, there’s not really that much concern about what other people are doing.”

Bago makakaharap ng Lakers ang Heat ay kailangan munang malusutan nila ang European tour taglay ang kanilang bagong roster.

Matapos manalo sa Game 7 sa NBA finals noong June 17, balik na sila ngayon sa training complex at ilang araw na rin silang naghahanda para sa games na gaganapin sa London at Barcelona sa mga unang linggo ng Oktubre.

Ayon kay Bryant, kailangang makahataw sila sa unang laro nila upang mabigyang babala ang mga nagyayabang na team na kaya na umano silang durugin. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply