Lakers humihina, Heat bumabagsak

KOMPORTABLE na umano si LeBron James kahit na nakadalawang araw pa lang siya sa training camp ng Miami Heat.

Sumubok siyang sumalaksak habang naka-double-team kasama si Joel Anthony.

Maraming kasamahan niya ang humanga sa kanya dahil bata pa ito at napakagaling nang tumira.

Ayon kay James, dapat magtiwala lang sa kanya ang grupo at mararating nila ang nais nilang marating.

Ipinahayag ng NBA’s reigning two-time MVP na matindi ang ginagawa nila kasama si coach Erik Spoelstra kung saan dito’y pinagpawisan siya nang husto.

Nais ni James na makuha nila ang kampeonato mula sa kamay ng Los Angeles Lakers na dalawang taon na nitong hawak.

Samantala, nagpahayag ang Lakers na hindi nila basta-basta ibibigay dito ang korona dahil mapapalaban ito sa kanila nang todo.

Subalit natuklasan na maaaring humina ang kampanya ngayon ng Los Angeles dahil hindi pa masyadong gumagaling si center Andre Bynum na isa sa mga sinasandalan ng grupo.

Nabatid na maaaring sa unang linggo pa ng Nobyembre makakapaglaro si Bynum dahil mahina pa ang tuhod nito na kamakailan lamang ay inoperahan.

Pero nangako naman si Kobe Bryant na gagawin nila ang lahat para makahataw nang todo sa mga unang laro nila kahit na wala pa si Bynum. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply