Lasing na nanapak ng lover, tinigbak

NAUWI sa duwelo sa patalim ang pagtatalo ng magkainuman matapos sapakin ng isa sa kanila ang ka-live in nito na ikinairita ng isa pa habang idinaraos ng huli ang kanyang kaarawan sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi si  Jimmy Delos Santos, 24, miyembro ng BCJ at residente ng Tambakan Dumpsite, Pier 18, Vitas, Tondo habang nakatakas ang nakaduwelo nito na nakilalang si  Garry Luca-nias, bitbit ang ginamit na patalim.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Insp. Ar-mando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong   9:45 ng gabi nang maganap ang duwelo ng magkaibigan.

Nabatid na may inuman sa bahay ng suspek kaug-nay ng kaarawan nito at isa sa mga bisita ang biktima.

Sa pag-aakalang aabutin pa ng mahabang oras ang inuman ay sinundo ng ka-live in na si Glenda Bajar, 19, ang biktima.

Napikon umano si delos Santos at napahiya sa kanyang mga kainuman dahil sa pagsundo ng kinakasama kaya binigwasan niya ito.

Hindi naman nagustuhan ng suspek ang ginawa ng kaibigan kaya kinom-pronta niya ito. Dahil kapwa kargado ng alak, parehong mainit ang ulo ng dalawa na humantong sa kanilang paghahamon ng saksakan.

Ilang saglit pa at bumulagta ang biktima na sinamantala ng suspek para makatakas. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply