Lasing sinaksak ng nilait na kainuman

Malubha ang 33 anyos na lalaki matapos saksakin ng polio victim na kan-yang nilait at sinuntok sa isang inuman kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nilalapatan ng lunas sa Pasig City General hospital dahil sa malalim na saksak sa tiyan ang biktimang si Domingo Casual, 33 anyos, may asawa, residente ng Cancer St., Centennial II, Nagpayong Brgy. Pinagbu-hatan, ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Orlando Asun-cion, 47 anyos, binata, caretaker sa isang bodega ng mga salamin at residente ng Purok Camia, Brgy. Pinagbuhatan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa Cancer St..

Nabatid na nag-iinuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang suspek at nakiumpok din.

Dahil sa hindi ka-grupo ay nagkapikunan ang suspek at biktima na nauwi sa suntukan.

Sa kulungan ay inamin ng suspek ang krimen subalit ikinatuwiran nito na sinuntok siya nang sinuntok ng suspek at dahil hindi makapanlaban ay sinaksak niya ito. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply