Legalisasyon ng jueteng kinontra

HINDI  naniniwala ang dalawang matataas na opisyal ng Senado na matitigil ang illegal na sugal sa bansa kung gagawing legal ang operasyon ng jueteng sa bansa na siyang inihain kahapon ni Senate President Jinggoy Estrada.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Estrada na kailangan nang gawing legal ang jueteng dahil mukhang nahihirapan ang awtoridad na sugpuin ang sugal at pangkaraniwan, sangkot pa sa operasyon dahil nakatatanggap ng payola.

“Through its legalization, the government can finally collect the revenues sourced from this numbers game, make use of the proceeds to finance important government programs, deny syndicates the opportunity to benefit from it and stamp out corruption,” ayon kay Estrada.

Ngunit kinontra naman nina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang panukala ni Estrada dahil kapwa sila naniniwala na kayang sugpuin ang jueteng kung gugustuhin ng alinmang administrasyon.

“Kung gagawing legal ang jueteng, baka dumating ang isang araw, gawin na rin legal ang droga sa ating bansa,” ayon kay Sotto.

Malaki rin ang paniniwala ni Sotto na kapag lumiliit ang kita ng mga kubrador  at iba pang personnel sa operasyon ng jueteng, baka makapag-isip sila ng panibagong illegal na sugal kapalit ng jueteng na kontrolado ng pamahalaan.

“Tiyak na magkaroon ng malawakang pagla-lobby para hindi maging legal ang jueteng. There are 30 billion reasons para hindi maging legal ang jueteng. Naniniwala kasi ako na kung gugustuhin kayang itigil ang jueteng. Tulad ngayon, may hearing sa jueteng kaya kahit saan ka pumunta, walang jueteng dahil baka tamaan sila sa isinasagawang pagdinig,” paliwanag ni Cayetano.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Blue Ribbon Chairman Sen. Teofisto Guingona na muling ipatatawag ang lahat ng opisyal ng administrasyon na sangkot sa pagsugpo ng jueteng kabilang si Tony Boy Cojuangco na nabanggit ang pangalan sa unang pagdinig.

Tatawagin din ng Senado ang kinatawan ng  Antie-Money Laundering Councl (AMLC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) upang matuklasan kung bakit hindi na mamanmanan ng ahensiya ang daloy ng mahigit P30 bilyong operasyon ng jueteng kada taon. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply