Letran, Arellano duelo sa ika-5 puwesto

The Arena, San Juan City

10 a.m.- Letran vs EAC (jrs)

12 noon- Perpetual Help vs Arellano U (jrs)

2 p.m.- Letran vs EAC (srs)

4 p.m.- Perpetual Help vs Arellano U (srs)

BASTED na sa final four subalit magpupukpukan pa rin para sa fifth place finish ang Letran at Arellano sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ngayong araw ng 86th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tabla sa No. 5 puwesto 6-9 win-loss karta, makikipagtuos ang Chiefs sa Perpetual Help Altas sa 4 ng hapon habang makikipagbanggaan ng katawan ang Knights sa Emilio Aguinaldo Generals sa alas 2 ng hapon.

Galing sa upset win ang Arellano matapos talunin ang defending champions San Sebastian, 64-62 noong Biyernes sa isang game-winning jumper ni Adrian Celada.

Samantala, galing naman sa talo ang Letran kontra San Beda 56-74.

“We hope to end the season with hopes of bringing our experience to next year. saad ni Arellano U coach Leo Isaac. “Our goal is to put the use all the things we experienced this year for next season,” said Isaac.

May 2-13 at 1-14 panalo-talo karta ang EAC at Perpetual Help ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply