Letran nabulabog sa bomb threat

BINALOT ng tensyon ang San Juan De Letran College matapos na bulabugin ng bomb threat makaraang makatanggap ng tawag sa telepono mula sa hindi nakilalang caller kahapon ng umaga sa Intramuros, Manila.

Nabatid sa ulat ni Chief Insp. Erwin Margarejo, spokesman ng Manila Police District, ang bomb threat ay natanggap dakong alas-9 ng umaga sa opisina ng security ng nasabing kolehiyo.

Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ni Michael Arrazabal, OIC ng San Juan De Letran College, sa MPD Station 5 Police Community Precinct sa Intramuros, na may natanggap silang bomb threat mula sa hindi nakilalang caller.

Nakipag-ugnayan naman ang pulisya sa tanggapan ng  MPD-Explosives and Ordnance Division at agad na nagsagawa ng imbestigasyon kung saan pinalabas lahat ng tao sa nasabing eskuwelahan.

Matapos i-search ng K9 sniffing dogs ang lugar, wala naman nakitang bomba.  Rene Crisostomo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply