Lloydie dedma sa kinasasangkutang cheap na intriga

RELEVANT ang pagtawag ng presscon para sa kauna-unahang pagbibida ng teleserye ni Shaina Magdayao sa Precious Hearts Romances Presents Alyna para sagutin niya ang malisyosong tsismis na kumakalat ngayon sa kanilang dalawa ni John Lloyd Cruz.

Diumano ay ini-rush silang dalawa ni Lloydie sa St. Luke’s Hospital dahil sila ay na-“stuck” together in an intimate moment. Ito ang unang kumalat sa internet at ngayon ay pinagpipistahan na sa mga dyaryo at showbiz talk shows.

“Kung sino naman ang gumawa ng istoryang ‘yun sa internet ay malamang nanood ng isang episode ng Grey’s Anatomy kung saan ipinalabas ang ganitong nakakahiyang situwasyon sa isang couple. Natatawa lang ako dahil hindi ito totoo at napaka-imposibleng mangyari ‘yun sa akin. Napaka-fertile naman ng imahinasyon ng taong ‘yun na nag-imbento nito.

“Sa high-tech ng panahon natin ngayon, siguradong may naglabas na ng picture sa aming dalawa ni JL sa ganitong nakakahiyang situwasyon. Dapat may mga forms kaming pinirmahan kung sakaling nag-rush nga kami sa ER ng St. Luke’s. Dapat may witness nang lumabas kaso wala nga ni isang ebidensya kasi nga hindi totoo ito,” pahiwatig ni Shaina.

***

Sa shooting naman ng My Amnesia Girl ay nakuhanan namin ng pahayag si John Lloyd mismo.

“Napaka-cheap nang intrigang ito. Shaina and I are not affected by this kasi hindi naman totoo. Naawa lang ako kay Shaina kasi she’s a girl at nakakabastos ito.

“Ang nakakainis lang ay ang pangyayaring people can actually get away with propagating these malicious intrigues sa mga artistang tulad namin. Isusulat lang na ‘diumano ay si ganyan at ganito ay nakitang blah blah blah’, e lusot ka na kagad. Lusot ka na sa demanda, nakasira ka pa ng reputasyon ng isang tao,”pahayag ni Lloydie.

DANZ SHOWDOWN FINALISTS, MAY MGA UTAK DIN NAMAN

Pinatunayan ng pitong finalists ng Danz Showdown na hindi lang sila magaganda at magaling sumayaw kungdi may utak din sila habang sinagot nila ang mga mahihirap na tanong sa kanila ng entertainment press para sa Darling of the Press award.

Si Julie Anne Septimo ang pinakamagaling sumagot sa lahat. Mistula siyang si Venus Raj habang sinasagot niya ng mala-Ms Universe ang katanungan ng press, with all the poise and glamour. Aba stand-out din siya sa pitong finalists kasi siya lang ang nakadamit ng red!

Scene-stealers din ang mga kamukha nina Judy Ann Santos at Rochelle Pangilinan na sina Jane Albarracin at Trizia Ramis. Plus points na sa kanila ang pagkakahawig nila kay Juday at Rochelle dahil malakas na kaagad ang recall ng ma tao sa kanila.

Gaganapin na sa Oct. 1 ang grand finals ng Danz Showdown na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA ng 10:30 am hosted by Mark Herras, Rochelle and Izzy Tirazona. P500,000 in cash and prizes ang mapapalanunan ng tatanghaling grand winner at magiging bagong miyembro siya ng Sexbomb.

***

Iba na talaga ang sikat. Aba parang kailan lang pero nakaka-third album na pala ang novelty singer na si Blanktape. This time kinuha naman siya ng Polyeast Records. Noong nakaraang Sabado ay kinanta niya sa Eat Bulaga ang latest single niya na “Jejecall and Jejetext” na follow-up niya sa smash hit niya na “Jejemom”.

Mukhang pag-iinitan na naman siya ng mga manang dahil sa kanyang isa pang bagong kanta na “Pechay” ang title tulad doon sa kanyang hit single noon na “Banana” dahil sa kanyang double-meaning na lyrics. Pero hindi naming masisisi si Blanktape dahil ito ang gusto at binibili ng mga tao.

Pangarap niyang makapag-record ng isang magandang lovesong kasama ang crush niyang si Nikki Gil kaso ayaw raw siyang payagan ng kanyang record label dahil kilala na siya sa pagiging isang novelty singer at dito siya sumikat! XOXO/Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply