Lover, misis pinagtataga ng pinalayas na ka-live in

PARACALE, Camarines Norte-Duguang pinabu-lagta ng aburidong lalaki ang kanyang ka-live in at ang umano’y bago nitong lover bilang ganti nang palayasin siya ng ginang sa kanilang tirahan upang makisama sa bago nitong karelasyon sa bayang ito.

Sa panayam ng REMATE sa biktimang si Elsa Alano, 43 anyos, residente ng Purok 3 Brgy. Mangkasay, Paracale, Camarines Norte, ban-dang alas 9:00 ng gabi ay lasing na dumating sa kanilang bahay ang dati niyang ka-live in na nakilalang si Winnie Aganan, 45 anyos.

Ayon kay misis, mahigit isang buwan na silang hiwa-lay ni Aganan matapos niya itong palayasin dahil sa sumbong ng kanyang 14 anyos na anak na babae sa unang asawa.

Nagsumbong umano ang dalagita na hinahalikan siya ng stepfather sa labi sa tuwing wala sa bahay ang kanyang ina. Hindi na umano pinaking-gan ng ginang ang paliwanag ng kinakasama kaya pinalayas ito sa kanilang bahay.

Ngunit makalipas ang mahigit isang buwan ay bumalik ang suspek at pinagta-taga si Elsa matapos uma-nong makarating sa kaalaman ng una ang pakikipagrelasyon ng ginang kay Julito Hernan-dez, 35, tubong South Villazar, Sipocot, Camarines Sur.

Tinangka umanong su-maklolo ni Hernandez ngunit pinagbalingan din ito ng ngitngit ng suspek at pinagtataga hanggang mapatay. Isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang ginang at sa panayam ng Remate, pinabulaanan nito na lover niya si Hernandez. Idinagdag pa ng ginang na nagkaroon sila ng isang anak ng suspek sa halos dalawang taon nilang pagsasama.

Ang suspek ay nakakulong na sa Paracale Police Station. Frankie Evado, Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply