Lovi Poe sinermunan ni Ronyan dahil kay Ronald

UMAATIKABONG sermon ang inabot ni Lovi Poe mula sa kapatid sa ama na si Ronyan Poe, dahil sa pakikipaglapit kay Rep. Ronald Singson.

Galit na galit daw si Ronyan sa kapatid dahil sa pagbisita nito kay Singson na ngayon ay may kasong illegal drugs sa Hong Kong.

Talaga raw kinompronta ni Ronyan ang kapatid, at natakot naman ang dalaga sa kanyang kuya dahil halos ito na ang itinuturing niyang ama mula nang mamatay ang kanilang amang si Da King.

Sabi raw ni Ronyan, kung buhay ang kanilang ama, hindi nito magugustuhan ang ginagawa ng dalaga. Pinuna rin umano ni Ronyan ang pagpapaseksi ni Lovi sa mga magazines.

Alam naman nating si Ronyan Poe ay anak ni FPJ sa aktres na si Anna Marin at si Lovi naman ay anak nito sa aktres na si Rowena Moran.

KASALANG MARIEL-ROBIN SA DECEMBER NAKAHANDA NA

HINDI raw naman buntis si Mariel Rodriguez kaya sila nagpakasal ni Robin sa India, at hindi pa raw nila prayoridad ng mister na si Robin Padilla ang pagkakaroon ng anak.

Kasi daw, ini-enjoy pa niyang siya ngayon ang baby ni Binoe.

Well, tuloy na tuloy na raw ang kanilang church wedding sa December at malamang daw na Christmas wedding nga ito.

Dahil ikinasal na ang dalawa sa Taj Mahal sa India noong August 19, formality na lang ang nasabing kasal at pagbibigay respeto sa relihiyon ni Mariel na isang Katoliko.

Ayon kay Robin, hindi sila kukuha ng ninong at ninang na pulitiko dahil mas gusto nilang  mga malalapit lamang sa kanila ang may gagampanang mahahalagang papel sa nasabing kasalan.

Sabi bi Mariel, isa si Bianca Gonzalez sa mga bridesmaids.

CHARICE P BABALIK PA SA GLEE

Nagustuhan daw talaga ng husto ang performance ni Charice Pempengco sa pilot episode ng season two ng hit TV musical series sa US na Glee,  kaya babalik siya sa nasabing show.

Kumpirmado nang babalik ang Pinay international singing sensation sa naturang show , na ang karakter nga ay si Sunshine Corazon.

Makikita pa siya sa iba pang episodes kaya hanggang ngayon ay nasa Amerika pa rin si Charice. Abala pa raw ito sa shooting para sa Glee.

But this time, may twist daw sa kanyang character.

Kaya yun na lang ang abangan natin.  Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply