Low pressure area namataan sa Luzon

ISA na namang namumuong sama ng panahon ang namataan malapit sa dulong hilagang Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng Pagasa, nakita ang nabanggit na low pressure area base sa satellite and surface data sa layong 390 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Pero bukod sa Luzon, asahan na rin umano ang mga pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa sanhi naman ng iba pang mga weather system.

Sa Visayas at Mindanao, umiiral ang makapal na kaulapang dala ng intertropical convergence zone, kaya asahan ang mga pag-ulan.

Ang temperatura ngayong araw ay maglalaro sa pagitan ng 25 hanggang 34 degrees Celsius. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply