LPA pasok na sa RP

TINUTUTUKAN ng weather forecasters ang low pressure area na pumasok na kahapon ng madaling araw sa Philippine area of responsibility  na unang namataan sa Palau Island.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang nasabing namumuong sama ng panahon base sa satellite and surface data sa layong 840 kilometro sa silangan ng Central Luzon.

Sinasabing nakapaloob ito sa intertropical convergence zone na nakakaapekto ngayon sa buong Pilipinas.

Kasunod nito, posible ring pumasok ang isa pang low pressure sa susunod na 36 na oras.

Pero ayon sa Pagasa, tanging Northern Luzon lang ang maaapektuhan nito dahil pataas ang tinatahak na direksyon.

Ang temperatura ay maglalaro sa pagitan ng 24-32 degrees Celsius. Alex Ching

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply