LPA sa Mindanao tinututukan

PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang low-pressure area na namataan sa Silangang Mindanao.

Bagama’t nasa bahagi pa umano ng Mariana Islands ang LPA, 50-50 ang posibilidad na tuluyan itong maging bagyo sa mga susunod na oras.

Ayon kay weather forecaster Elvie Enriquez, kung sakaling maging ganap na bagyo at papasok sa Philippine area of responsbility, tatawagin itong bagyong “Juan.”

Maliban sa LPA, binabantayan din ng ahensiya ang isa pang bagyo sa Mariana Islands na tinatahak ang direksyon palapit ng Philippine territory.

Ang Mariana Islands ay isang “arc-shaped archipelago” sa Pacific Ocean.

Ito ay nasa silangang bahagi ng Philippine Sea. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply