LTO lady enforcers, pinakalat

IPINAKALAT ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lady enforcers ng ahensiya para paigtingin ang panghuhuli sa mga kolorum at out of line vehicles sa buong bansa.

Ito ay makaraang pormal na ilunsad ni LTO Chief Virginia Torres ang mga Lady Enforcer Officers (LEO) ng LTO na iikot sa Metro Manila para hulihin ang mga sasakyang lumalabag sa batas trapiko.

Ayon kay Torres, ang mga ipinakalat ay ilulunsad na sabay sabay sa bawat rehiyon sa bansa. Sa  Metro Manila, may 50  lady enforcers ng Central Office at LTO National Capital Region ay ikinalat sa Metro Manila.

Sinabi na dalawa hanggang tatlong oras na nasa lansangan ang mga ito kada linggo para sa naturang programa na bilang bahagi ng pagkilos ng ahensiya laban sa colorum vehicles.

Ang mga lady enforcers ay madaling makikita sa lansangan dahil sa kulay dilaw na long sleeve shirt at maong pants saka sumbrerong asul.Santi Celerio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply