Isang pamilya patay sa sunog, 2 pa sugatan

HINDI na naisalba ang ama at tatlo nitong anak na nakulong sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Paltok, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Sr. Fire Officer 2 Fortunato Arte ng QC Fire Department, nasawi sina Gerald, 7 anyos; Darryl, 8 anyos; Jerry, 14 anyos at ang kanilang amang si Leo Tatak, 36 an-yos. Dinala naman sa magkahiwalay na pagamutan ang mga nasugatang sina Hilda Tatak at Angel Dizon na kapwa nagtamo ng 3rd degree burns sa katawan.

Kasama ring nilamon ng apoy ang katabing bodega  at isang delivery truck (RVN-202).

Sa ulat, nagsimula ang sunog alas 12:25 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng bahay ni Alfredo dela Cruz sa No. 35 Kundiman St., Brgy. Paltok San Francisco del Monte na gumapang sa bahay ng mag-anak na Tatak. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply