Mag-anak minasaker

SULU-Paghihiganti ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa pamamaslang sa isang mag-anak matapos masangkot sa panggagahasa ang isa sa kanila kamakalawa ng gabi sa bayan ng Patikul.

Ayon kay Philippine National Police spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz, dakong alas 7:00  ng gabi nang matuklasan ang pamamaslang sa pamilya ng isang barangay kagawad sa Barangay Panglahayan.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, kinilala ni Cruz ang mga nasawi na ang mag-asawang Karrah Aroh, barangay kagawad, 45 at Ganday  Ulah Aroh, 38; at kanilang mga anak na sina Delhana Aroh, Aldimar Aroh, 22; Nulwina Aroh, 12 at Lorwina Aroh na isang taong gulang lamang.

Sa imbestigasyon ng Patikul police, nasa loob ng kanilang tahanan ang mag-anak nang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakilalang salarin na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Patuloy namang ginagamot sa Sulu Provincial Hospital ang iba pang miyembro ng pamilya na sina Nidzfar Ikson, 16 at Narcisa  Aroh, 15 anyos.

Inihayag ni Philippine Army Spokesman Maj. Parlade, Jr.  na  ipinag-utos na ni Task Force Commet OIC head Brig. Gen. Mario Montejo ang pagtugis sa mga salarin.

Ayon kay Montejo, may mga impormasyon silang nakalap na ang anak ni Karrak na si Aldimar ay suspek sa panggagahasa sa isang buntis.

Posible umanong binuweltahan ng pamilya ng rape victim na buntis ang mga Aroh. Dahil dito, nakaalerto ang mga awtoridad sa posibleng pagganti naman ng mga kaanak ng pamilya Aroh. Verlin Ruiz/Evelyn Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply