Mag-asawang Tsinoy binigti ng boy

LUCENA CITY-Unang sinunggaban ng kanilang helper na lalaki ang 56 anyos na ginang saka ito kinaladkad at binigti na bagaman nakita ng mister nito ay wala itong nagawa dahil sa pagiging paralisado kaya isinunod din itong binigti ng una sa kanilang bahay sa Merchant St., sa lungsod ng Lucena.

Ayon sa ulat ni Police Supt. Alex Orfanel, hepe ng Lucena PNP, kalunos-lunos ang sinapit ng mag-asawang Tsinoy na kinilalang sina Roberto Ong Lo, 56 at Nenita Bolamos Lo, 56.  Ang bangkay ng mag-asawa ay natagpuan matapos magtaka ang kapatid ni Roberto na si Nelson Ong Lo kung bakit naka-padlock pa rin ang main door ng bahay ng mga ito dakong 6:00 ng umaga gayung karaniwang nagbubukas ang dalawang matanda nang mas maaga.

Sa tulong ng isang barangay tanod ay binuksan nila ang pintuan at doon natuklasan ang krimen.

Nabatid na ang bangkay ni Roberto na nakalaylay ang kalahating katawan ay natagpuan sa kanyang wheelchair habang ang misis nito ay natagpuan malapit sakusina.

Nawawala ang stay-in boy ng mag-asawa na kinilala lamang alyas Joel na pinaniniwalaang tumangay sa mga nawalang kagamitan at pera ng mga biktima matapos patayin ang mga ito.

Diumano, pinutol ng suspek ang sampayan sa likod ng bahay at iyon ang ginamit na pambigti sa kanyang mga amo. Kid Maas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply