Mag-ina pinugutan

NEGROS ORIENTAL – Pinagsasaksak na ay pinugu-tan pa ng mga halang ang kaluluwa ang mag-ina na hinarang nila sa daan ka-makalawa ng umaga sa Ba-rangay Pulo, lungsod ng Tanjay.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang mag-inang Monica Torres, 57 at Michael, 22, residente ng Barangay Asagra, Tanjay City, Negros Oriental ay natagpu-ang walang buhay dakong 6:30 ng umaga.

Nabatid na ang ulo ng mag-ina ay natagpuan malapit sa katawan ng mga ito.

Ayon sa pahayag ni Police Senior Inspector Domini-ciano Distrito Jr., huling nakita ang mag-ina dakong alas 7 ng umaga noong Lunes nang pumunta sa barangay hall ng Brgy. Pulo.

Wala umanong palatanda-an na pagnanakaw ang mo-tibo sa krimen dahil hindi nawala ang mga personal na gamit ng mga biktima. Evelyn Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply