Maggay, propesor, ‘musical trainor’

LIKAS na mayaman ang ating bansa sa sining at kultura na minana pa natin sa ating mga ninuno.  Mabibilang din sa ating mga kamay ang mga taong biniyayaan ng talento sa paglikha ng mga awitin, pagtugtog, pag-awit, pagsayaw at pag-arte.  Kahanga-hanga din ang ilang may taglay nito na naipagsasabay sa kanilang iba pang propesyon.

Gaya na lamang ni Dr. Concepto Maggay, Presidente ng Western Philippine University (WPU) sa Puerto Princesa City sa lalawigan ng Palawan, bukod sa pangangasiwa ng nasabing unibersidad, nagawa pa nitong magsanay o maging “trainor” ng grupo ng mga estudyante sa kaniyang paaralan para bumuo ng orchestra.

Ang Palawan ay kinilala ng maraming mga bayan at munisipalidad bilang isang malinis na lugar sa Pilipinas at tahanan ng mga simpleng mamamayan.  Ito ay tinaguriang ‘A city in the forest’ dahil sa pagiging sagana nito iba’t-ibang mga halaman at puno gayundin ang mga likas na yaman na patuloy na naipe-preserba dito.

Naniniwala si Dr. Maggay na mahalaga ang pagkakaroon ng isang orchestra sa isang paaralan gaya ng WPU dahil nakatutulong ito sa promosyon ng unibersidad.  Kaya hindi siya nagdalawang-isip na pumili ng mga estudyante na sasali rito.

“Wala talaga silang alam starting from notes reading and instrumentality noong una.  Pinukaw ko ang nanahimik nilang kainusentihan sa musika,” ayon kay Maggay bago magsimula ang pormal na pagbubukas ng Science and Technology Fair, Southern Luzon Cluster na isinagawa sa lunsod ng Puerto Prinsesa kasabay ng pagdiriwang ng Science and Technology Week sa pangunguna ng Department of Science and Technology.

Labis kaming humanga sa maka-konsyertong performace ng WPU Cocktain Orchestra sa isang dinner na inihandog sa DOST ng WPU sa A&A Plaza Hotel sa Brgy. San Miguel ng nasabing lungsod sa unang gabi ng aming pamamalagi sa lugar.

“ Bravo.” Ang magkakasabay na sambit ng mga panauhin at ang masigabong palakpakan.  Sa bawat bilang ng awitin na  inihahandog ng grupo ay pumapailanglang ang ritmo at hindi maipaliwanag na nararamdaman ng bawat isang nasa function room.

Para sa akin, ang ganitong uri ng musika ay sa mga piyesta lamang masasaksihan gamit ang kombinasyon ng saxophones, gitara, string na sinasabayan ng organ.  Bukod sa galling ng mga batang performers, ‘perfect’ din ika nga ang seleksiyon ng kanilang mga awitin.

Nagsimula ang WPU Cocktain Orchestra dalawang taon na ang nakalilipas at patuloy itong naghahandog ng mga tugtugin hindi lamang sa unibersidad kundi pati rin sa mga pribadong okasyon sa labas ng libre gaya ng kasal, kaarawan at iba pa..  “Their performances sa labas are free of charge.  Hindi ako naniningil bilang bahagi ng promosyon.

Malawak ang karanasan ni Dr. Maggay sa propesyon bilang miyembro ng banda noong siya’y bata pa kaya’t naniwala siya na kakayanin din ito ng kaniyang mga estudyante ngayon.

Sa mensahe din ng WPU President sa mga panauhin sa okasyon, hindi nito naitago ang labis na pagnanais na matupad ang kaniyang pangarap na maging isang ‘Research University” ang naturang paaralan dahil kumpiyansa siya sa magandang naidudulot ng mga pananaliksik sa tagumpay ng mga proyektong may kinalaman sa ikauunlad ng tao at pamayanan.

“Ewan ko kung mangyayari pang maging Research University ang aming school”, pagtatapos pa ni Dr. Maggay.  Salvador Serrano

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply