Magkakalat ng basura pagmumultahin

SISIMULAN na sa Setyembre 16 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iisyu ng Environmental Violation Receipt (EVR) sa sinumang mahuhuling magtatapon ng anumang uri ng basura sa lansangan.
Ito ang inaprobahan ng mga alkaldeng bumuubuo ng Metro Manila Council (MMC) sa ginanap na pagpupulong sa Makati City Hall kahapon matapos na suspindihin ang implementasyon ng ipinasang ordinansa noong taong 2003.

Inatasan kaagad ni Chairman Francis Tolentino ang mga tauhan ng Health, Public Safety and Environtment Protection Office (HPSEPO) pati na ang mga environmental police at traffic enforcers na ihanda na ang kanilang sarili sa panghuhuli ng lalabag sa MMDA Regulation Number 96-009 na nagbabawal sa pagtatapon ng anumang uri ng basura sa pampublikong lugar at daluyan ng tubig.

Sa ilalim ng naturang batas, papatawan ng multang mula P500 hanggang P1,000 ang mga mahuhuli o magsisilbi sa kanilang komunidad ang sinumang hindi makapagbabayad ng multa.

Tiniyak naman ni Tolentino na iikutin nila ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang ibigay ang mga kaukulang impormasyon bago ipatupad ng mahigpit ang naturang batas.

Sinabi ng MMDA chief na binuhay niya ang implementasyon ng naturang batas upang maisulong ang isa sa mandato ng ahensiya na pangalagaan ang kalusugan at  kalinisan ng kapaligiran sa Metro Manila. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply