Magpinsan kinaplog ng 3 senglot

CAVITE-Habang ninanamnam ng tatlong magkakaibigan ang lasa ng iniinom na alak ay naglalaro sa kanilang imahinasyon kung paano aangkinin ang magpinsang dalaga na niyaya nilang makitagay sa kanila sa Paradiso compound Barangay Panapaan 5, bayan ng Ba-coor kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay P/Supt. Redri-co Maranan, hepe ng pulisya rito, nakaramdam ng pagkahilo pagkaraan ng ilang tagay ang mga biktima na itinago sa pangalang Lucy, 17 anyos at Carol, 18, pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak sa nasabing lugar.

Ito naman ang sinaman-tala ng mga suspek na sina Alvin Pumaren, 27, welder; alyas Manny, 15, trabahador sa imprenta at alyas Edmar na third year high school kaya inakay nila ang magpinsan sa loob ng bahay at doon halinhinang tinikman.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Minerva Gabito, da-kong alas-10:00 ng gabi ay nag-iinuman ang mga suspek sa labas ng bahay ni Puma-ren dahil kaarawan ng isa ni-lang kaibigan nang mapadaan ang magpinsan kaya tinawag nila ang mga ito at niyayang makisaya sa kanila. Una umanong nakainuman ng gru-po ang isa pang pinsan ng mga biktima na si Tracy ngu-nit agad itong nagpaalam at umuwi.

Nang bumalik si Tracy ay wala na itong inabutan sa umpukan kaya hinanap ang kanyang mga pinsan.

Dahil hindi nakita ang mga pinsan ay bumalik si Tracy sa bahay ng isa sa mga sus-pek at sumilip sa maliit na butas. Nagimbal ito nang ma-kita ang mga pinsan na may takip sa bibig at minomoles-tiya ng mga suspek.

“Naisip ko pong umikot sa likod at silipin sa butas kung nasa loob ang mga pinsan ko at nakita ko pong nakatakip ang kanilang mga bibig at minomolestiya na po nina Alvin kaya agad ko pong tinawag ang aking Tata Berto,” pahayag ni Tracy sa pulisya.

Kasama ang tiyuhin ay binalikan nila ang bahay ni Pumaren ngunit nang kom-prontahin ay inupakan umano ng suntok ni Edmar ang una saka ito nagtatakbo kaya ito nakatakas habang sina Pumaren at Manny ay nasakote. Rubie Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply