Magsasaka ginilitan ni kuya dahil sa lupa

BONGABON, Nueva Ecija-Binawian ng buhay ang 45 anyos na lalaki makaraang palakulin sa leeg ng nakatatandang kapatid dahil sa umano’y alitan sa lupa sa Purok 4, Barangay Curva kamakalawa ng gabi.

Sa ipinarating na ulat ng Bongabon PNP kay P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija Police provincial director, nakilala ang biktima na si Arsenio Diones y Bartolo-me, 45, may asawa. Nama-tay ang biktima habang pilit na dinudugtungan ng mga doktor ang kanyang buhay sa Bongabon Hospital.

Pinaghahanap pa ang suspek na nakilalang si Ale-jandro Diones, 47, alyas Andring, kuya ng biktima at nakatira malapit sa kanilang bahay.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-9 ng gabi, dumating na lasing ang suspek sa bahay ng biktima.

Armado ng palakol at sinabihan nito ang mga dinatnan sa bahay na magsilayas na sila sa bahay na iyon at pagkatapos ay bigla na lamang nitong pinaghahataw ng dalang palakol ang appliances ng biktima.

Sa puntong ito dumating ang biktima na sinundan ng mainitang pagtatalo ng magkapatid hanggang sa tila sinaniban ng masamang espiritu si Alejandro at pinalakol sa leeg ang kapatid.

Kasong parricide ang isinampa ng pamilya ng biktima laban sa suspek. Ver Sta. Ana

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply