Makinig ka Bisaya: ‘Kahit magkakaibigan, nag-aaway’ –Angeli Pangilinan

MAY PUNTO si Angeli Pangilinan nang sabihing, ” You know Tita Annabel, we’re friends and friends fight but I prefer when we fight, huwag naman sa camera. I love you very much.”

Sa puntong ito, nabanggit ni Angeli na nag-sorry na siya kay Ruffa Gutierrez kung nasaktan man niya ito sa kanyang nasabi noon at ayon sa kanya, tinanggap naman ito ng maluwag ng aktres/TV host.  Nag-sorry din siya kay Bisaya at naintindihan niya kung bakit gan’un ang naging reaksyon nito dahil alam niya kung papaano magmahal ng mga anak at paano  pinangangalagaan ng judge ng Star Factor.

Aniya, “I’m sorry, too if I hurt you in anyway because as a mother maybe you were offended and I’m really sorry because I didn’t mean anything.  Really, from the bottom of my heart, God bless you.”

Inamin nitong hindi pa siya nag-text kay Bisaya pero sa kanila ni Ruffa, ay maayos na nila itong napag-usapan.  Inamin din nito na may plano siya, sa tamang panahon ay iimbitahin niya ang mga Gutierrez sa isang hapunan para pag-usapan ang mga bagay na kailangan pang-usapan.  “Malalagpasan din namin ito,” pag-aasam nito at naniniwala siya na hindi masisira ang matagal na nilang pagkakaibigan ni Bisaya dahil lamang sa nasabing isyu.

Inamin din nito na sa nasabing pangyayari ay mayroon siyang natutunan, ang dapat gagawin at ang dapat hindi gagawin para walang magiging problema sa pagkakaibigan.  “Day, mag-peace na tayo,” mensahe nito sa pretty mom ni Ruffa.

DINGDONG AT MARIAN, HINDI HAHANTONG SA KASALAN

Base sa napanood naming video noong naganap sa pagbabati nina Marian Rivera at Bela Padilla sa office ni Madam Wilma Galvante ay parang hindi pa rin maluwag sa una ang pakikipagbati.

Kitang-kita sa kamera nang dumaan ang aktres sa harap ng lady executive habang nasa tabi si Bela ay parang walang tao siyang dinadaanan.  Deretso siya pero nahawakan siya sa kamay at doon lang ito nagbeso sa lady exec pero kay Bela, dedma siya.

Well, tulad ng naging statement ni Maam Wilma, the issue is closed, so let it be.

Naka-chat namin si Madam Suzette Arandela at agad namin hiningi ang kanyang vibration ng mga sandaling ‘yon.  Ayon sa kanya, nararamdaman nitong walang magaganap na kasalan kina Dingdong Dantes at Marian sa taong ito.  Hindi daw tipo ng lalaki ang aktor na magpapakasal agad dahil wala sa bokabularyo nito ang salitang kasal. Kaya posibleng maibaling pa nito ang atensyon nito sa ibang chicks.

Naramdaman nitong kahit may kamalditahan ang aktres ay mahal pa rin nito ang aktres.  “Medyo nawawalan siya ng gana dahil sa negative issue pero mahal pa rin niya ito hanggang ngayon.  Pero walang kasalan ngayon taon sa kanila.”

Naikuwento namin sa kanya ang Marian at Bela Padilla controversy dahil wala siyang idea tungkol dito dahil kasalukuyang nasa ibang bansa siya.  Aniya, “Naku, palaban ang pamilyang nakabangga ni Marian.  Hindi sila uurong, lalaban sila sa demandahan.”

Nabanggit din namin sa kanya ang karamdaman ni Dingdong Dantes na hindi matukoy ang klase ng sakit?  “Mayroon siyang abdominal pain, sa lower part ng kanyang katawan may sakit siyang nararamdaman.  Sobra na siguro ang paggi-gym nito kaya dapat pahinga muna siya.” Starbook/Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply