Malakanyang kinabog sa media protest

UMAPELA ang Malakanyang sa mga media organizations na nagbanta na magsasagawa ng malawakang kilos-protesta kapag itinuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlong 3 TV netrworks, sa ABC 5 host Erwin Tulfo at RMN reporter Michael Rogas kaugnay ng madugong hostage taking incident noong Agosto 23 sa Quirino Grandstand, Manila.

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte na kailangan munang hintayin ang magiging desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa bagay na ito bago pa magsagawa ng kahit na anumang pagkilos sa kalsada.

Nauna nang nagbanta sina National Press Club (NPC) president Jerry Yap at Alyansa ng Filipino Mamamahayag (AFIMA) president Benny Antiporda na handa na silang gamitin ang kalsada para iparating sa Malakanyang ang kanilang pagpalag sa naging rekumendasyon ng Incident Investigation and Review Commmittee na kasuhan ang mga miyembro ng media.

Kasong  reckless imprudence resulting to multiple homicide ang naging rekumendasyon at nakapaloob sa IIRC report na pinangunahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang posibleng isampa laban sa mga nasabing  media personality at networks. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply