Malaking gov’t subsidy sa MRT kinuwestiyon ng Senado

KINUWESTIYON ni Senador Edgardo Angara ang malaking subsidy ng gobyerno sa operasyon ng Metro Rail Transit sa susunod na taon.

Ito’y matapos aminin ni Budget Secretary Butch Abad sa hearing ng Senado na nadagdagan ng P2.2 bilyon o 43% ang kasalukuyang P5.1 bilyong subsidy para sa commuters ng MRT.

Sa ilalim ng 2011 budget, sinabi ni Angara na naglaan ang malakanyang ng P7.3 bilyon subsidy sa mrt operations.

Ayon kay Angara, dapat ilaan na lang ang nasabing subsidy sa agrikultura para mapalago ang food productions at makalikha ng dagdag na trabaho sa kanayunan.

Iginiit ni Angara na maaaring balikatin ng mga commuter  ng MRT ang P44 na singil sa pamasahe para makatulong sa gobyerno na maibsan ang kakapusan sa pondo.

Kasabay nito, nakatakdang magpatawag ng hearing ang Senate committee on public services sa isyu ng pagtataas ng singil sa pasahe ng MRT at LRT sa susunod na linggo. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply