Malulupit na pulis ng Capas dapat kastiguhin ng PNP

ANG mga abusadong pulis sa Capas, Tarlac na kabago-bago pa lang sa pulisya ay sobra na kung mangotong sa pasugalan.

Hindi rin makatao ang kanilang pagtatrato sa mga tao na kanilang sinisita at hinuhuli sa kanilang pagtse-check point.

Ibang klase kung magsagawa ng mga checkpoint  ang mga pulis sa Capas dahil mismong sa sementeryo kung sila ay mag-checkpoint doon pa sa isang madilim na bahagi ng sementeryo kung kanilang inspeksyunin ang mga tao.

Ang masakit pa nito, pag nakita nila na kahina-hinala ang kinikilos ng tao kahit na napagkamalan lang nila ito  ay kanila itong tinotorture pagkatapos ay kanila itong ikinukulong.

Kaya nga, kahit  hindi ka-salanan ng tao ay napipilitan itong aminin ang ka-salanan na ibinibintang sa kanya ng mga pulis sa tindi kasi ng hirap sa pagtorture sa kaniya ng mga pulis.

Dapat na sigurong baguhin ng bagong PNP chief na si Gen. Raul Bacalzo ang imahe ng kapulisan.

LOTENG NINA KON SA BALAYAN, MATIBAY

Sa Balayan, Batangas na  ilang bayan lang ang layo nito  mula sa Tuy  na bayan ni PNP chief Gen. Raul Bacalzo ay  talamak ang operation ng loteng nina Kon. Joel at Kon. Rodel. Pero nakapagtataka na patuloy lang na nagbibi-ngibingihan ang hepeng si Maj. Raul Castillo.

Ano kaya ang dahilan kung bakit ‘di kumikilos si Maj. Castillo sa mga sugalan na inooperate ng dalawang konsehal na ito?

Hindi ko sinasabi na malaki ang timbreng natatanggap ni Maj. Cassh..tillo  kina Kon. Joel at Kon. Rodel.

Mantakin ninyo, huli nang huli ng mga pasugalan si hepe pero nakapagtataka na ang operation ng loteng ng dalawang konsehal ay ‘di hinuhuli.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 0926671-9269 o email juandesabog@yahoo. com. Juan de Sabog/Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply