Mambobomba putulan din ng mga paa at mga reader

MINAMALAS ba ang lungsod ng Maynila?

Tanong ito ng ating Uzi makarang mag-take two ito sa mga kontrobersiyal na krimen.

Hindi pa nga humuhupa nang husto ang Luneta massacre na kinamatayan ng siyam katao noong Agosto 23, 2010, andiyan na naman ang paggranada sa bar exams sa La Salle University sa Taft Ave.

Nasa 47, mga Bro, ang nasugatan sa pangyayari at isang pulis at isang babaeng law student ang naputulan ng mga paa.

Ang hiling natin ay bilisan ng mga awtoridad ang pagkilos sa pagdakip sa nambomba sa bar exams.

Pero ang pagdakip ay dapat na siguraduhan. Hindi ito dapat matulad sa Luneta massacre na kung sino-sino na lang ang mga pinagtuturo na may kagagawan.

Doon sa Luneta massacre, makaraang makapatay, isinubo ni Kapitan Rolando Mendoza ang kanyang sarili sa bitayan at yun nga ang nangyari. Dito sa bombahan sa La Salle, ano kaya ang gagawin sa mga mahuhuli at mapatutunayang nagkasala?

Siguro, granadahin din para maputulan ng mga paa.

O Mayor Lim, paganahin na ang Manila’s Finest para maiharap sa katarungan ang mga suspek.

oOo

Bigyan naman natin, mga Bro, ng pagkakataon ang mga reader natin na maglabas ng kanilang mga kaisipan sa iba’t ibang usapin.

CONG. LUCY TORRES AT MALALASWA

MAGANDANG hapon po, Ka Benny. Sorry po na maabala kita sa oras na ito. Katatapos ko lang pong mapanood ang PO5 ng Channel 5. Bakit po nakapagpapalabas sila ng malalaswa na nakatapis lang ang babae at lalaki habang sumasayaw at congresswoman pa ang kanilang host, si Lucy Torres. 0929-385

TAKAW SUNOG NA COMPUTER SHOP

Pwede po bang ireklamo ang isang computer shop na itinayo sa squatter’s area rito sa Fatima St., Valley 1, Paranaque City. Pag-aari po ni Rio Catuiza, iligal po kasi at walang lisensya. Kahoy at hindi pa air conditioned ang lugar kaya pwedeng pagmulan ng sunog. 0912-855

MAYOR LIM, VICE ISKO ‘WAG KASUHAN

Hindi naman dapat isama sa kaso sina Mayor Lim at Vice Mayor Isko. Ang dapat kasuhan ay ang mga pulis at swat team mula sa ground commander. Wala silang alam sa hostage crisis. 0919416

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.
Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply