Mar Roxas gatecrasher sa UN Assembly?

MAY malungkot  na balita tayo para kay  Mareng Koring.

Kasi’y ang kanyang mister ay kahiya—hiyang lumabag sa “protocol” sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa United States.

May natanggap tayong balita na hindi naman kasama si dating Senador Mar Roxas sa official delegation ng Pilipinas sa UN General Assembly pero nagtangka siyang dumalo  dito.

Ibig sabihin, nag-GATE CRASH ang “consultant”  ni PNoy sa UN.

——-$$$—

PAANO nakalusot si Roxas sa mga security personnel?

Kinukumpirma pa natin ang “special report” na ginamit nito ang IDENTIFICATION (ID)  CARD  ng kalihim ng Department of Education (DepEd).

Kung totoo ang balitang ito, isang KAHIHIYAN ito para sa mga Pinoy.

Ipinapakita din dito ang pagiging TRYING HARD ni Mr.Palengke na maging OPISYAL NG GOBYERNO.

Ano kaya ang sey dito ng kampo ni Bise Presidente Jejomar Binay.

He, he, he.

——$$$–

ALAM ba ninyong SINITA ng guwardiya si Roxas kung bakit “ibang ID” ang kanyang ipinapakita?

Ikinatwiran ni Roxas na hindi naman daw makaka-ATTEND ang DepEd secretary kaya’t siya na lang ang gagamit ng kanyang slot.

Sinabi ng guwardiya na BAKA dumalo yung “DepEd” boss at mapagalitan siya, pero nilinaw ni Roxas na hindi talaga MAKAKADALO ang “may ari ng ID” kaya’t siya  na lamang ang PAPASUKIN ng bantay.

Isipin ninyo ang EKSENA iyan—kung nakakahiya o hindi ang nangyari sa ating “BIDA”.

—–$$$—

ALAM ang eksena ng ito ng mga REPORTER na kasama sa delegasyon, pero hindi nila ito MAIBUNYAG sa media kasi’y siyempre, INILIBRE sila eh, baka sila MASERMUNAN at MASUMBATAN.

Pero, pagbabalik nila sa Maynila sa linggong ito, tiyak nay an ang magiging USAP-USAPAN.

Paano kaya ito idedepensa ni Mareng Koring?

—–$$$–

MAY special info tayo na IAABSUELTO ng Legal Team ni PNoy  ang “MEDIA” sa  pagsasampa ng kaso kaugnay ng hostage-taking.

Walang plano ang Malacanang na idawit ang MEDIA sa naturang kaso.

Maraming salamat po.

—–$$$–

ANG problema, naka-POKUS na lamang ang KASO sa iisang tao.

Isa lamang sa 12  katao na ISINABIT sa IIRC report ni DOJ Secretary Leila de Lima ang talagang MAKAKASUHAN—ito ay walang iba kundi si Manila Mayor Fred Lim.

Ibig sabihin, si Lim ang MOST GUILTY sa nangyaring kapalpakan.

Nangangahulugan kaya ito na     ie-ETSAPUWERA ni PNoy ang  “KUMPARE NG KANYANG NANAY” sa kanyang Team Noynoy.

Ibig sabihin, mawawala na sa LISTAHAN ng YELLOW-BLACK MOVEMENT ang Maynila.

Huwag kayong magtataka kapag kumalat ang kulay PULANG WATAWAT sa  Luneta.

—–$$$—

ISA ring dapat abangan ay ang REAKSIYON ni DOJ secretary De Lima.

Kasiy LALAMUNIN niya ang kanyang SINABI na : HINDI AKO PAPAYAG NA MABAGO ANG AKING REKOMENDASYON!!

Malalaman natin kung talagang “MAY BAYAG” si De Lima.

Kapag nagkahiyaan, hindi malayong bigla ring “MAGBITIW” ang tanging MATINONG GABINETE ni PNoy.

Tsk, tsk, tsk, kay hirap talagang maging PANGULO ng Republika, ano poh?

——$$$—

BALIK tayo kay Roxas, may mukha pa kaya siyang IPAPAKITA sa mga Pinoy.

Isang kahihiyan lang ang NAIBIGAY niya sa delegasyon.

Kung ang MARANGYANG HAPUNAN ang nagging ISYU sa pagdalaw ni GMA sa US noong nakaraang taon, etong pag-GATE CRASH sa UN ni Roxas ang tiyak na PUPUTAKTEHIN ng tanong ng mga reporters.

Ipagdasal nating hindi totoo ang ulat na ito. Bistado ka!/Dan Ambrocio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply