Margarito puspusan din ang ensayo

Kakaiba umano ang ipinapakita ni dating welterweight champion Antonio Margarito sa kanyang training bilang paghahanda sa laban kay WBO welterweight champion Manny Pacquiao.

Ayon kay trainer Robert Garcia, pambihira umano ang pagbabago sa timbang at conditioning ng Mexican-American boxer.

Ang training ng Team Margarito ay matagal nang nagsimula at itinayo nila ang kanilang camp sa South El Monte Boxing Gym sa California.

Sa katunayan ngayong linggo ay sisimulan na ni Margarito ang pag-jogging sa bundok at pagtapos nito ay ililipat ang training camp sa Oxnard kung saan itataas na ang lebel ng pag-eensayo nito.

Nakahanay na rin ang sparring partner ni Margarito na si Sergio Martinez, na isang Argentine world champion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply