Marian, Bela kahit pinagbati na, Mommy Eva ‘di tatahimik

LAST TUESDAY, natuloy ang paghaharap nila Marian at Bela sa opisina ni Tita Wilma Galvante sa GMA 7. Kasama ni Bela ang business manager na si Claire dela Fuente at Ida Henares ng GMA Artist Center. Ang manager naman ni Popoy  Caritativo ang namataang kasama ni Marian sa nasabing meeting with Ms. Wilma and Atty. Anette Gozon-Abrogar pero mabilis lang daw ang paghaharap na ‘yun ng dalawang controversial na actress.

Hindi raw humingi ng sorry o nag-apologize si Marian kay Bela kundi hinayaan na lang daw ng malditang actress na si Ms. Wilma ang magsalita. At ilan sa statement ng nasabing GMA executive ay ang sumusunod:

“The Network acknowledges that misunderstandings and disagreements are inevitable as we go through demanding production assignments.

“Harmony and professionalism should nonetheless prevail. We request everyone to respect the decision of both parties to put this matter to rest.”

Ganoon na lang ba ‘yun wala man lang ba silang action na gagawin sa mga pangha-harass ni Marian kay Bela? At si Mommy Eva, tanggap kaya nito ang ganitong pagpapaliwanagan? Okey na ba sa kanya ang hindi pagtupad ni Marian Rivera sa paghiling niyang public apology para sa apong si Bela Padilla.

Well, let’s wait and see na lang basta’t isa lang ang masasabi namin dito kay Marian Rivera. Silence means yes. Talagang ginawa nito ang lahat ng mga ibinulgar ni Bela Padilla sa kanyang tunay na pagkatao. Even her boyfriend Dingdong Dantes ay walang masyadong masabi sa naturang issue paano parehong guilty ang magdyowa.

Matapos isiwalat ng sikat at respetadong diva na si Ms. Claire dela Fuente ang burak na pag-uugali ni Malditang Marian Rivera. Narito at atin namang basahin ang no-holds- barred interview kay Mommy Eva Cariño Padilla at sa apong si Bela Padilla, na biktima ng mga harrasshment ni Marianita.

Unahin, muna natin ang exclusive interview namin kay Bela Padilla.

Bukod sa kanyang business manager na si Claire dela Fuente at Lolang si Mommy Eva Carino Padilla na parehong nagbigay na ng mga reactions nila ukol sa pang-aaping ginawa Marian Rivera kay Bela Padilla, last night ay nakausap na mismo ng inyong columnist at ng BFF kong si Pete Ampoloquio Jr. ang sinasabing latest victim ng mga kamalditahan ni Marian na si Bela.

At narito ang walang labis, walang kulang na mga kuwento at rebelasyon ni Bela sa mga pambabastos at pagti-tripping madalas nina Marian at Janna Dominguez na parehong co-stars niya sa Endless Love:

“After nu’ng incident po sa CR ng Fontana Hotel na ikinulong niya ako saka pinagmumura doon at sinabihan na ang landi-landi ko, ang pangit-pangit ko at bobo ko raw po umarte, everytime na may eksena po ako with Dingdong lalo na doon sa scene na ise-seduce ko siya. Marian and Janna are always giving me a hard time po. Nandiyang harangan ako ni Janna sa dadaanan ko papunta doon sa lugar na kukunan ‘yung scene namin ni Kuya Dingdong.

“I really dont know po kung kung bakit galit na galit siya sa akin samantalang ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Alam lahat ng staff, even our director Andoy Ranay po na wala akong ginagawang masama kay Ate Marian at hindi totoo ‘yung mga bintang niya na in public ay nagpi-flirt po ako kay Kuya Dingdong. I’m not like that, very religious po ako and honestly nakakaisang boyfriend pa lang po ako and that is Jason Abalos. Na dahil nga sa mga paninira sa akin ni Ate Marian at Janna  kay Jason ay hiniwalayan po ako ng boyfriend ko,” sunod-sunod pang pambubulgar ni Bela sa mga kagagahang pinaggagawa sa kanya nila Marian at Janna.

Sa totoo lang, dobleng sakit ang nararamdaman tiyak ngayon ni Bela dahil binastos na siya at kinawawa ni Marian, na dahil sa malditang actress ay nawalan pa siya ng boyfriend.

Straight from the heart, ay tinanong namin si Bela kung susuportahan ba niya ang kanyang Lola Eva sakaling ipagpatuloy nito ang pagsasampa ng kaliwa’t-kanang mga kaso kay Marian kapag tumanggi ang nasabing actress na ma-public apology sa harrassment na ginawa nito sa kanya.

Tatlo sa mga kasong puwedeng isampa ni Mommy Eva at Bela laban kay Marian ay harrassment, grave threat, slander o oral defamation.

“Whatever my Lola Eva’s decision po, I will respect that. Let’s see na lang po kung magkakaayos kami o hindi pagkatapos ng meeting naming sa GMA.

Sa tingin niya dapat bang mag-public apology si Marian sa mga pambabastos ng kasamahang actress sa kanya?

“Like I’ve said, ang Lola Eva ko po ang nagdi-demand ng public apology. Siguro, dahil naagrabiyado ako rito ay ‘yun po ang tingin niyang karapat-dapat so nirerespeto ko po siya doon dahil nagki-care lang po siya sa akin,”  klaro pang pahayag ni Bela.

At para sa aming huling hirit, ano ang reaction niya dun sa bintang ni Marian na ginagamit lang niya ito para siya pag-usapan at sumikat?

” Kung talagang gusto ko po siyang gamitin sana po ay kinaibigan ko siya noong una pa. Pero, hindi po talaga dahil nagtatrabaho lang ako and kung ano man po ‘yung mararating ko dito sa showbiz, siguro sa tingin ko ‘yun po ang destiny ko. And i want to clear po na kaya lang kami nagsasalita ngayon ay dahil foul naman po ‘yung ako na nga ang binastos, ako pa ‘yung pinagbibintangan user ni Ate Marian,” huling sambit at paglilinaw pa ni Bela sa akusasyon ni Marian at ng kampo nito na user siya. May pahabol na kuwento pa si Bela tungkol sa pananakot sa kanya ni Marian. Kung saan sinabi raw sa kanya ng actress na marami na siyang mga nabugbog na youngstars.

May nakausap rin si Bela na young actress na nakasama noon ni Dingdong sa isang teleserye na nakatikim rin ng mga pangha-harass ni Marian.

Certified butangera pala talaga itong aging ham actress. At base sa interview ni katotong Jojo Gabinete kay Mommy Eva Carino Padilla, mararamdaman mo talaga ang sobrang pagka-irita ng Mommy ni Binoe sa ginawang pang-ookray ni Marian sa apong si Bela. At narito ang ilan sa kanyang mga naging reaction at pagtatanggol kay Bela.

“Actually, nalaman ko lang ang balita nang mapanood ko si Claire dela Fuente na iniinterbiyu sa “Juicy.” Kaagad kong tinawagan si Bela. At nagkuwento ang apo ko sa akin napack-up na raw ang kanyang taping nang tawagin at ikulong siya ni Marian sa CR ng Fontana Hotel, sa Clark.

“Hindi raw siya makalabas ng pinto dahil nakaharang si Marian at pinaalis nito ang ibang tao sa loob ng cubicle saka ini-lock ang CR. Sinabi raw ni Marian na ayaw na nito na makita si Bela sa set. Gusto raw niyang saktan, gusto niyang bugbugin ang apo ko. Na ang bobo mong umarte! Ang pangit-pangit mo at kahit kailan, hindi magkakagusto sa iyo si Dingdong.

Ano naman ang naramdaman ni Bela noong hinaharass ng mga oras na ‘yun ni Marian?

“Ang sabi ni Bela sa akin. Umiyak na lang po ako. Pinakalma ko po siya dahil takot na takot ako. Gusto kong mag-collapse dahil sa takot sa kanya.

“Kilalang-kilala ko si Bela. Relihiyoso siya. At the Age of 8, preacher na siya sa simbahan namin sa Seven Day Adventist Church.

“Hindi siya marunong makipag-away. Wala siyang alam kundi ang mga salita ng Diyos.

“Kaya ngayon, sabi ng mga Padilla, Hindi namin puwedeng payagan ang mga ginawa ni Marian kay Bela. Masyado niyang tinakot ang apo ko. Naawa kami kay Bela. Napagkaisahan namin na maghanap ng katarungan. Tinakot ni Marian ang bata. Ikinulong niya. Parang ginawa niya na hostage. Paano kung may nangyari kay Bela? Buti sana kung butangera siya. Ang kaso, ni hindi siya umaalis ng bahay para gumimik masunurin at mabait ang apo ko.

“Concerned ako sa apo ko. Hindi ko siya pababayaan,” sunud-sunod pang pahayag ni Mommy Eva sa ginawang gulo ni Marian.

Sinabi ni Mommy Eva, na malaman na humantong pa sa korte ang usapin kapag hindi humingi si Marian ng apology kay Bela. Yes, Public apology ang hiling ng pamilya Padilla kay Marian at kung hindi ito ibibigay ng Kapuso actress ay malamang asuntuhin na siya ni Mommy Eva.

“Nasaktan kami ni Marian. Sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan. Isipin mo ang nerbiyos ni Bela? Ngayon, kung aaminin ni Marian ang kanyang pagkakamali, hahangaan pa siya ng mga tao. Magandang tingnan na nagpapakumbaba ang isang nagkamali.

“Sinabi niya na ginagamit siya ni Bela? Paano manggamit ang mga Padilla eh, panahon pa ni kopong-kopong ang mga Padilla sa movie industry. Kailangan pa ba ni Bela na manggamit?”  tanong pa ni Mommy Eva sa mga paratang ni Marian sa kanyang apo.

At heto, pa ang nais niyang iparating kay Marian.

“Tingnan natin ang mga irarason ni Marian. Basta’t kilala ko si Bela, may takot siya sa Diyos, at subukan mo na magtanong sa kanya tungkol sa Bible, alam niya ang mga isasagot niya sa iyo! Magpunta siya sa school ni Bela at ipagtanong niya doon ang apo ko. Wala siyang nakaaway sa school.

“Dapat, mag-apologize si Marian dahil kung hindi niya ito gagawin medyo mabigat ang magiging resulta. kung siya ang gaganunin, ano ang mararamdaman niya? kung talagang may kasalanan si Bela, mabuti na nga na bugbugin siya at sabunutan pero wala talaga.

“Bakit niya pinag-iinitan ang apo ko? Parang hindi siya artista. Nakaka-partner niya ang ibang mga actor. Alam niyong dahil sa ginawa niyang pambabastos sa apo ko ay isa siyang masamang ehemplo sa mga kabataan,” huling sambit pa ni Mommy Eva, na obvious na masamang-masama ng loob hanggang ngayon kay Marian Rivera. Peter S. Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply