Marian Rivera hahatakin pababa ang karir ni Jake Cuenca

SI JAKE Cuenca pala ang magiging leading man ni Marian Rivera sa gagawing entry film ng Regal sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong December.    Magandang idea na pagtambalin ang dalawa, bagay sila dahil sa ‘beauty’ ay nagku-complement sila dahil sa kanilang mestizo look at magaling din silang umarte.  No doubt, they’re two of the most popular celebrities today.

Nakausap namin si Niel de Guia (manager ng aktor) sa Bench Celebrity Scents Collection na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa noong Sabado at napag-alaman namin na bukod sa nasabing pelikula ay gumagawa rin ang aktor ng isang indie film and soon, sasabak uli siya ng panibagong teleserye sa ABS-CBN.

Natuwa man kami pero nand’un ang pangambang sa pagka-nega ngayon ni Marian ay baka hindi masyado papasukin ang kanilang pelikula.  It’s a public knowledge ang naganap na malaking kontrobersiya ng aktres at Bela Padilla.

“Huwag naman,” salo ng manager sa aming tsika.  Oo naman, we are always hoping for the best for Jake dahil hanggang ngayon ay nakatapak pa rin sa lupa ang kanyang dalawang paa.  “May solusyon d’yan eh,”  tsika namin, “Dapat isang sexy comedy movie ang konsepto ng kanilang gagawing pelikula, alam mo na.”

Speaking of Marian, pinabulaanan ng kanyang manager na si Popoy Caritativo na pinalitan na ni Anne Curtis ang aktres bilang endorser ng SMDC dahil hanggang 2011 pa ang kontrata at kamakailan lamang ay pumirma uli ang aktres ng extension ng kontrata.

Balitang masaya na ang kampo ni Bela at wala na silang balak ituloy ang pagdemanda kay Marian dahil sa naganap na pagbabati ng dalawa sa opisina mismo ni  Wilma Galvante kamakailan lamang.  Kaya lang, ang naganap sa pag-aayos ng dalawa ng walang batian at beso dahil agad nagpaalam ang aktres pagkatapos ng usapan.  Sa pagmamadali nito ay kay Wilma lang nakapagpaalam ang aktres dahil nagmamadali daw ito para madalaw si Dingdong Dantes na kasalukuyang nasa hospital.

***

Back to the Bench event, no doubt na hindi pa rin iniiwan ng Kimerald ang mga idolo at puwedeng isiping tanggap na nila na hanggang screen sweetheart lang ang dalawa.  Lalo na ngayong nali-link ang aktor kay Bea Alonzo at si Kim naman is just taking her time sa admirers daw nito.

Talagang tinilian at pinalakpakan sina Kim at Gerald, isang patunay na mahal pa rin nila ang loveteam at hindi rin nagpahuli ang mga fans ni Jake dahil sinalubong din siya ng tili at palakpak mula sa kanyang fans.  Lalong nag-ingay ang fans nang hubarin ng aktor ang kanyang damit pang-itaas at itinapon sa audience.  Isa rin itong pagpapatunay na lalong nagugustuhan ang aktor sa kanyang pagpapaseksi kaya naman, bilang suggestion, lagyan ng konting kaseksihan ang pelikulang gagawin nila ni Marian.

Tatlong bagong body spray ang ipinakilala Bench Celebrity Scents Collection na ang fragrance ay imported pa sa Grasse, France at gawa naman ito ng Scentral Laboratories, Inc. ng Suyen Corporation.  Iniindorso ng tatlong bida ng Tayong Dalawa, ang Becoming Body Spray ni Kim, Adored Body Spray ni Gerald at Undress Body Spray naman ang kay Jake.  No wonder, maraming kinikilig at binabalik-balikan para kunan ng picture ang giant billboard ni Jake sa gilid ng Skydome dahil talagang naka-‘undress’ siya at tanging pulang tela lamang ang nakatakip sa  kanyang ‘kamanoyan.’

Robin Padilla, tiyak na ‘pagsasalitaan’ ng mga Muslim sa Ibaloi wedding kay Mariel

Ano kaya ang reaksyon ng Muslim brothers ni Robin Padilla sa ginawa nilang Ibaloi wedding ni Mariel Rodriguez? Posibleng may mga katanungan sila pero doon sa kasalan umano sa India  ay given na kapag ang isang lalaki at isang babae ay magkasama sa isang bakasyon ay mag-asawa na ‘yan.  Alam ito ng aktor dahil deboto siya sa relihiyon ng Muslim, ang Islam.

Doon sa pagpayag ng aktor na pahiran siya ng dugo ng baboy sa mukha, ang sabi nito ay hindi naman niya ito ininum at walang nakasaad sa Holy Kor’an na bawal itong gawin.  Sa puntong ito ay naintindihan namin ang aktor dahil galing siya sa pagka-Katoliko at dati na siyang kumakain nito.

Sa tradisyon ng Muslim, it’s a big ‘No’ na pahiran sila ng dugo ng baboy dahil tiyak magkamatayan.  Kung kasama mo sa pagkain ay isang Muslim at may nakahandang baboy sa mesa, never na gamitin mo ang kutsara’t tinidor na ginamit sa pagkuha ng  baboy na gagamitin mo sa kanyang pagkain, tiyak malaking gulo ‘yun.  Hanggang maari, ilayo mo ang pagkaing may baboy sa katabing Muslim tulad ng dinuguan o litson, baka di niya kaya ang nakikita at bigla siyang masuka.

Huwag na tayong lumayo, hindi ba nabalita noon ang isang congresswoman na sinampal ang isang waiter ng catering service dahil nasilbihan siya ng pancit na may sahog na baboy.  This is a concrete example. Starbook/Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply