Marian Rivera, ikinulong sa CR at pinagmumura ang co-star na si Bela Padilla

ANG feeling namin ay nagpapakabait na itong si Marian Rivera dahil sa panay na nga ang kawanggawa ni Marian na ang latest na tinutulungan ng aktres ay itong si Buboy Villar na nakasama nito sa ilang teleserye na muntik-muntikan nang mamatay dahil sa dengue. Sinagot raw ni Marian ang hospital bills ni Buboy.

Well, ayaw naming isipin na puro pakitang tao lang ang pagcha-charity na ito ni Marian. Pero papano ipapaliwanag ngayon ng Kapuso actress(Marian) ang kabastusang ginawa niya recently lang sa co-star nila ni Dingdong Dantes sa “Endless Love” na si Bela Padilla, nang dahil lang sa request nito (Marian) na hindi dapat magta-touch ang dibdib ni Bela at ng boyfriend na si Dong sa yakapan scene ng dalawa sa pinagsasamahan nilang teleserye sa GMA 7.

Da height na ang demand na ito! Puwede ba namang hindi magtama ang boobs nu’ng dalawa eh, magkasintahan ang role na ginagampanan ng mga ito. Siyempre, hindi talaga maiiwasan na magdikit ang dibdib nila ni Bela at Dong sa eksenang ‘yun.

Hayun! Ayon pa sa kuwento ng isa naming inpormante na part ng Endless Love na concerned lang dito kay Bela. Sa harapan raw mismo ni Dingdong ay tinilian at sinigaw-sigawan ni Marian itong si Bela dahil sa tindi ng insecurity at selos nito sa maganda at flawless na newcomer na bini-build-up ngayon ng Kapuso network.

At hindi lang ‘yan, dahil naulit pa raw ang pangongomprontang ito ni Marian sa nasabing baguhan. Nasa malapit raw na comfort room ng kanilang set that time si Marian pagkatapos ay tinawag nito si Bela at pinalapit sa kanya at inutusan niya ito na pumasok sa CR at kaagad itong sumunod sabay lock ng pinto ng CR. Hayun, dinig na dinig raw sa labas kung papaano mura-murahin at insultuhin ni Marian si Bela. Pagkapos ay iniwan niya itong humahagulgol nang iyak.

Siyempre nakita ito ng Mommy ni Bela kaya’t tiningnan nito ng masama si Marian. Sino ba naman kasing ina ang matutuwa kapag binastos at nilait-lait ang anak mo.  Magre-react ka di ba? Aba! Binalikan pa pala ni Marian si Bela at nag-dialogue ito nang “pakisabi sa Nanay mo na pumapatol ako sa matanda!” Grabe! hindi pala maldita kundi wala pala talagang ka-breeding breeding ang Marianitang ito. Aba! Major, major na pala ang kabastusan at kayabangan nito dapat ay kalusin na siya at tanggalan ng sungay.

Well, abangan natin ang unti-unting pagbagsak ng career ng walang good manners and right conduct na matandang actress na ito!

Sa Iyo Lamang inilampaso sa takilya ang Mamarazzi ni Eugene Domingo

Congratulations sa buong cast ng “Sa ‘Yo Lamang” led by  Lorna Tolentino and Christopher de Leon etc. dahil hindi lang sila nabigyan ng Graded A ng CEB o Cinema Evaluation Board kundi certified box office hit .

Ayon kay Roxy Liquigan ay humamig sa 11 Million ang first day of showing ng Sa’Yo Lamang ng magbukas ito last September 1 sa 120 theaters nationwide. Kaya’t nangangamoy victory party naman para sa lahat ng mga artistang kasama sa project na ito na tribute sa lahat ng Filipino families.

At hindi lang ‘yan ang nababalitaan namin dahil as of presstime kinabog ng Sa’Yo Lamang ang Mamarazzi ni Eugene Domingo sa takilya. At kung aaminin ng mga taga Regal Films ay muntik-muntikan na raw palang mag-flop ang 2nd solo movie na ito ni Eugene na mukhang pinagsasawaan na ng publiko sa dami ng mga exposure sa GMA at GMA & at TV 5. I would like to congratulate rin pala direk Laurice Guillen sa paggawa uli niya ng makabuluhang pelikula after Tanging Yaman na ginawa naman nito last year 2000.

**********

Keri mo Teh? ng Eat Bulaga mala Survivor Philippines ang dating!

Every Saturday, maliban sa mga magagandang production number na pinaghahandaan talaga ng husto ng EB Dabarkads natin plus their weekly celebrity guests, lahat ay nakatutok rin sa portion ng Eat Bulaga na “Keri Mo Teh”? na ang mga challenge sa tatlong contestant na personalities ay tipong napapanood nating may kabog sa dibdib na pinapagawang mga challenge sa mga Castaway ng Survivor Philippines.

Ilan sa mga nagwagi na sa Keri Mo Teh at Keri Mo Pre ay sina Boobay, Ate Gay, Eugene Domingo, Aljur Abrenica at ang latest ay ang castaway at PA ni Piolo Pascual na si Moi. Abangan, kung sinu-sino pa ang mga susunod na makakalusot at tanghaling mga winner sa Keri Mo Teh? Siyempre, saan pa kundi sa paborito nating lahat na kasama sa pananghalian na Eat Bulaga. Mga fabulous exciting prizes naman ang hatid sa mga masusuwerteng texters na fanatics na ng “Text Panalo”. Make a Choice sa feel nyong mapunta sa inyong premyo. Text Na! WALANG LUSOT/Peter S. Ledesma

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply