Relasyon kay Marie Digby itinanggi ni Sam Milby

MASAYA si Ryan Agoncillo bilang bagong endorser ng Enervon Multivitamins at sa panganganak ni Juday sa second week ng October.

“Yes malapit na malapit na talaga! Only six weeks to go. Nagpa-ultrasound nga kami last week at nakitang suhi ang bata, meaning una ang mga paa sa paglabas. May possibility na ma-caesarian si Juday pero dapat kayanin niya ang anesthesia.

“But we’re still hoping for a normal delivery. Anyway gumalaw na naman ‘yung bata at hindi na naman siya suhi ngayon. We’re attending birthing lessons para maging smooth sailing ang delivery ni Juday.

“She is also attending breastfeeding lessons kasi balak ni Juday na magpa-breastfeed hangga’t kaya niya. Ayaw nga niyang kumuha muna ng yaya para sa baby dahil gusto niyang siya mismo ang mag-aalaga,”masayang kuwento ni Ryan.

At ano naman ang pangalan ng magiging baby boy nila ni Juday?

“Juday and I decided to name our son, Juan Luis. Bale Lucho ang magiging palayaw niya, meaning ‘little fighter’. Kasi sa pangalan ko kasi e may Luis din pati sa pangalan ng lolo niya. Maski si Johan ay may Louise rin sa pangalan niya.

“Naku ang hilig mag-shopping ni Juday. Inaayos niya kasi ang nursery room ng baby. Kung anu-ano nang mga gamit at dami na ang nabili niya. Usually mga color white, yellow at blue ang mga binibili niya.

“After shopping, mahilig din siyang kumain sa labas. Pero kung nasa house ako, dun lang siya at pinagsisilbihan niya ako. She is really a good housewife kaya napakaswerte ko,”tugon ni Ryan na may bagong sitcom sa TV5 na “Lady Dada” kung saan mag-aala-Lady Gaga siya na costume in drag!

***
After Piolo Pascual, Brad Turvey and Akihiro Sato, si Sam Milby naman ngayon ang bagong celebrity endorser ng Blue water Day Spa along with commercial model Mikaela Lagdameo. Ni-renew naman nila ang contract ni Karylle at Boom Labrusca. Magkakaroon ng Fun run sa Oct. 17 sa MOA grounds at kasama dito sina Sam. Mikaela, Karylle, Akihiro, Boom, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Coach Rio dela Cruz, Sen. Pia Cayetano, Kiko Rustia, Alfrancis Chua at 40 Brazilian models.

Tahasang sinabi ni Sam Milby na wala silang relasyon ni Marie Digby. Magkaibigan lang daw sila and they are enjoying each other’s company. Mahirap daw kasi ang isang long distance relationship kung saan magkikita lang kayo once, twice or thrice a year. Magkikita raw sila ngayong buwan sa Japan kung saan siya may show. “Kasi magre-record din siya ng Japanese album doon kaya siya pupunta,” paliwanag ni Sam

Wala rin daw silang relasyon ni Maja Salvador. One time lang daw pumunta si Maja sa bahay niya para mag-gym at matagal na raw ýun at marami silang magkakasama. Hindi na nga sila nagkikita ngayon ni Maja kasi tapos na ang show nila na Impostor at magiging busy na siya sa Idol with Sarah Geronimo.

Hindi rin niya sinasarado ang pintuan niya kay Anne Curtis. Pero sa ngayon daw ay pareho na silang nakapag-moved on. Wala raw siyang balita kay Anne at sa foreigner boyfriend nito. Nagkikita lang daw sila sa ASAP tuwing Sunday.

***
Sina Jackie Woo at ang mga sexy stars na sina Ellen Adarna, Gwen Zamora at Jhylliane ang special guests sa Bubble Gang this week. Kasama sila sa Sinong Bata ‘Yan gags at Soap Opera sketch. Alamin kung sino si Cheche at ang Kakaibang Siga. Wag na wag Papansin para walang Sakit sa Ulo. Nandiyan din ang kinagigiliwan na regulars na Bakit Ganun at Moymoy. Matatawa rin kayo sa Super Siamese. XOXO/Tonee Coraza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply