Mariel Rodriguez balik TV hosting at acting

BABALIK ng showbiz ang kontrobersyal TV host/actress na si Mariel Rodriguez. Ito ang napag-alaman namin sa manager niyang si Boy Abunda.

Habang sinusulat namin ang kolum na ito, nagpapahinga ang TV host actress sa Baguio City. Ganu’n din sa pagbabalik nito sa “Pilipinas Win Na Win”.

“Hayaan muna natin lumigaya ang alaga ko. Wala akong reklamo sa relasyon nila ni Robin (Padilla). Nakita ko naman na maligaya siya sa piling ni Robin. Bakit ko naman pipigilan ang kaligayahan ng alaga ko?” ani Kuya Boy ng makausap naming sa set ng TV program niya.

Ikinuwento rin sa amin ng King of Talk na malapit nang i-defend ang kanyang masteral thesis sa Philippines Women’s University, kung saan nagtuturo siya ng Radio and Television sa junior and seniors years sa naturang unibersidad at  hindi siya nagbabagsak ng estudyante.

LIBRONG SUSULATIN NI KUYA BOY IKINAKASA NA

To widen his experience at mga kaalaman kaya gaano man ka-hectic ng sked ni Kuya Boy , mayroon siyang time sa pag-aaral muli. Nariyan ang “SNN”, “Bottomline” at  “The Buzz” bukod pa sa speaking engagements nito at commercial endorsements.

“Hindi naman ako umiinom at nambababae!”  ani Kuya Boy.

Ang higit na nagpapaligaya kay Kuya Boy ay ang kanyang ina. Lahat nang pagod napapawi sa pagmamahal ng isang ina.

ARTS AMBASSADOR

Magsusulat din siya ng libro about public figures (kilala ng 100,000). Kaya kaabang-abang ang aklat na ito once na isa nang Master’s Degree ang King of Talk.

Magiging Arts Ambassador din si Kuya Boy ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

JC REGINO SUSUNDAN ANG MGA YAPAK NI APRIL BOY

Nasa ‘Pinas ang Jukebox King  na si April Boy Regino  para suportahan ang anak na si  JC  Regino  (John Christian) sa pagpasok nito sa recording industry.

Ayon kay Idol  pangarap ni JC na maging isang singer. Pumayag naman siya dahil tapos na ito ng pag-aaral at alam niyang magaling din kumanta ng kanyang anak.

Lahat ng suporta ibibigay niya sa pagpasok ni JC at handa niyang ipasa ang trono sa anak.

Sa Viva Records silang mag-ama pumirma ng kontrata. Tatlong taon ang kanilang pinirmahan at magkakaroon sila ng tatlong album.

Wala naman siguro dapat pang patunayan si Idol dahil lahat ng kanyang album ay bumenta. Isa na rito ang “’Di Ko Kayang Tanggapin”, nakatanggap na ng Diamond Award (sold  1 million copies CD).

Sa kanilang debut album na mag-ama, entitled  “Idol Star” naglalaman ito ng magagandang compositions at puro OPM, walo sa awitin na nakapaloob dito ay kinompos ni JC. Ang carrier single nito ay  “’Di Na Ako Iibig Pang Muli”, isa lang sa dalawang awitin sa album na duet nilang mag-ama. Napapakinggan na ito sa halos lahat na FM stations at malapit nang i-release nationwide.

Ani JC,  pangarap niyang maging isang singer tulad ng kanyang ama. Kaya iniwan ang kanyang trabaho sa Bank of America sa Las Vegas .

Dagdag pa ng 21-year old na nagdiwang ng kanyang kaarawan  noong Setyembre 3, sana’y  kahit  konti lang maabot niya ang kasikatan na tinamo ng kanyang ama.

Maituturing niyang isang advantage ang magkaroon ng ama tulad ni Idol pero sa tulong ng Panginoon kaya naman niyang sundan ang yapak ng kanyang ama dahil sa kanyang talento sa pagkanta.

Inaamin ng guapo at Korean looking bagets may pressure sa kanyang pagpasok pero kaya naman niya dahil may tiwala siya sa kanyang sarili.

Bukod sa pagkatanta tinanong si JC ni Boss Vic (del Rosario) kung gusto nito mag-artista.

Ani ng bagets, may plano pero hindi muna siya sasabak sa pag-aartista. Magko-concentrate muna siya sa singing.

Nagpasasalamat si JC sa kanyang magulang  kahit abala ang mga ito sa kanilang Idol Productions (concerts and shows) sinuportahan siya, ganu’n din kay Boss Vic sa pagtitiwala nito sa kanyang kakayahan bilang isang baguhang mang-aawit. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply