Mariel Rodriguez, ‘di malayong sugurin ni Sharon Cuneta

INAABANGAN ng lahat sa showbiz ang pag-uwi sa Pilipinas ni Sharon Cuneta na kasalukuyang nagliliwaliw sa ibang parte ng  mundo.

May isyu kasing sangkot ang kanyang anak na si KC Concepcion.

Yes, inokray daw ni Mariel si KC and knowing kung ano ang puwedeng gawin ng megastar, gagawin nito, maipagtanggol lang ang minamahal na anak.

May say kaya si Robin ‘pag si Mega na ang nagkomento  laban kay Mariel? Ang sure namin, siguradong magkakaroon ng confrontation sina Binoe at Mega para ‘patahimikin’ ang  maduming bunganga ng bagong misis na si Mariel.

Yes, indeed! Kahit nasa cloud nine ngayon si Mariel Rodriguez dahil sa sobrang pagka-in love kay Robin Padilla, puro negatibong balita naman ang naririnig tungkol sa kanya.

Matapos ang  isyung kasalan nila ni Robin Padilla na kanilang inamin  sa ilang talk shows, heto’t bukod kay Toni Gonzaga, pati  si KC Concepcion ay kumpirmadong  imbiyerna na rin kay Mariel.

Ang reason, ay ‘yong pang-ookray ni Mariel sa anak ni Megastar  Sharon  Cuneta.  Matagal na palang may irita factor si Mariel kay KC. Ginagaya raw kasi ni KC ang hosting style ni Mariel at ito ang labis na ikinaiirita ng ‘bagong misis’ ni Binoe.

Kaya naman nakarating ‘yon kay KC at pinaniwalaan nito dahil narinig pala mismo ng yaya ni KC na may sinabi si Mariel against sa dalaga ni Mega nang minsang nasa dressing room sila ng isang show. Hindi raw aware si Mariel na  yaya pala ni KC ‘yong nasa tabi niya at hindi siya pumipreno sa kanyang mga sinasabi.

Resulta, maging si Sharon ay to the rescue na rin sa anak. Pag-uwi  ni Shawie mula abroad, ano kaya ang palusot na ikakatuwiran ni Mariel kapag kinumpronta siya ni Mega?

Komento ng ilan, ano kaya ang masasabi ni Boy Abunda, bilang manager ni Mariel, sa  mga  naglabasang hindi magandang feedback tungkol sa kanyang alaga?

Sa ngayon, hindi pa sinasagot ni Mariel at maging ng kampo ni KC, ang tungkol sa  isyung may gap sila. Tila nababalutan pa sila ngayon ng ‘nakabibinging katahimikan.’

Why kaya? Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply