Mariel Rodriguez tinawag na ‘malandi’

NAPAIYAK si Mariel Rodriguez sa The Buzz last Sunday nang kapanayamin siya ng kanyang manager na si Boy Abunda.

Masama ang loob niya sa pagtawag sa kanya ng ibang tao na malandi, bunsod ng tila whirlwind romance na naganap sa kanila ng kanyang mister na si Robin Padilla.

“Tawagin ninyo akong malandi… For example, nakipaglandian ako, nakipag-flirt ako, nakipag-live-in ako. Hindi naman ganoon…. Nagkaligawan kami,(..ng tatlong araw—ED) na-in love kami, nagpakasal kami,” wika ni Mariel.

Tapos sabihin ito ni Mariel ay tumulo na ang kanyang luha. “It hurts me, kasi pag-ibig ang naganap sa amin. Hindi naman ’yun sinadya na maging ganoon, so masakit na tawagin kang malandi.”

Foul nga naman na husgahan si Mariel at tawagin siyang malandi ng iba, lalo na ang hindi pa lubos na kilala ang kanyang pagkatao.

Pero dapat aminin ni Mariel na talagang naging mabilis ang ligawan nila ni Robin dahil parang kailan lang ay in love na in love pa siya kay Zanjoe Marudo, tapos ay nag-split sila at sumunod na balita ay sila na ni Robin, tapos ay kasalan na.

Dapat ding ipaliwanag siguro ng iba kay Mariel na kapag sinasabi ng ibang tao, lalo na ang mga entertainment writer/columnist-na mabilis ang naging pangyayari sa love story nina Mariel at Robin, iyon ay hindi bilang paghuhusga sa kanya o pagtawag na siya ay isang flirt, kundi bilang concern o pagtataka siguro ng ilan na baka naging padalos-dalos sila sa kanilang desisyon kahit ‘di pa sila sure talaga sa kanilang feelings sa isa’t isa. (Korek ka diyan!—Ed)Although, mahirap talagang husgahan ang desisyon nila, lalo’t kitang-kita naman na sila ay umaapaw ang pagmamahal sa isa’t isa.

Kabilang pa sa sinagot ni Mariel sa panayam ni Kuya Boy ang isyu ng pagsisinungaling daw nila. “I want to make it clear na hindi naman nanggaling sa amin. Iba ang nagsalita. Siguro, hindi rin niya (Ibaloi priest) alam na kasal na kami noong time na nangyari sa Baguio.”

Saad pa ni Mariel, ang naganap noong Setyembre 13 sa Baguio ay isang family gathering. “It’s just for the family. It’s for Ali para makilala niya ‘yung sa Cariño side.

“Ako, personally, pagod na pagod na ako na tinatawag kaming sinungaling! Whatever you say, kami pa rin ang may kasalanan… I don’t understand why. Hindi na ba matatapos? Hindi ba puwedeng maging masaya na lang? Ito na nga, inilabas na ang totoo, sinungaling pa rin, may butas pa rin,” himutok pa ni Mariel.

Sa aming palagay, dapat ding hindi mairita si Mariel at unawain niya ang mga kapatid sa panulat sa naging maingay na isyu ng kasalan blues nila ni Binoe. Dahil tumahimik kasi sina Mariel at Robin noong una, kaya ito ay nagsilbing magnet upang mag-speculate ang media. So, mayroon din silang pagkukulang sa kanilang parte. Trabaho ng media ang magbalita, lalo’t may mga interesting na kaganapan at may naaamoy kaming usok. Subalit dahil nga umiwas sila sa isyu, imbes na tapos na agad ito ay humaba pa lalo at nanganak pa ng ibang alingasngas. (Ang dami kasi nilang ka-etchosan from the start—Ed)

But just the same, kailangan na talagang tuldukan na ang isyu ng kasalan nina Robin at Mariel, hayaan na natin silang matahimik at maging maligaya.

DAISY SIYETE, POSIBLENG IBALIK SA ERE

Posible palang magbalik ang Daisy Siete sa ere, ayon mismo ito sa manager ng Sexbomb Girls na si Joy Cancio.

“Sana mabigyan ulit kami ng chance ng GMA, actually, may plan sila, pero ako mismo ang nag-ano sa kanila. Napagod kasi ako sa Danz Showdown, kasi hindi biro itong show na ito. Talagang every day, gumagalaw ka.

“Unlike sa Daisy Siete, kapag pinag-usapan ninyo iyong konsepto, ‘yung istorya, kapag nabasa ko ‘yung script, tira na sila. Dalaw-dalaw lang ako.

“Pero, hopefully siguro, sana mabigyan ulit kami ng pagkakataon na pumunta ulit sa drama,” wika ni Joy.

Sa ngayon ay nakatutok muna siya sa Danz Showdown, isang dance-reality TV show produce ng Focus Entertainment at napapanood sa GMA-7. Hosted ito nina Mark Herras, Izzy Trazona at Rochelle Pangilinan, with segment hosts Presley Bellini at ang SexBomb Girls, napapanood ito Monday to Friday at 10:30 a.m. Sa October 1 ang grand finals ng Danz Showdown.

Ang pitong finalists ay sina Jane Albarracin, Emeliza Diesta, Yui Gutierrez, Trizia Ramis, Jean Roxas, Julie Ann Saptimo, at Dona Veliganio.

Bukod sa premyong pagiging miyembro ng Sexbomb Dancer sa magwawagi, ang iba pang prizes ng winner ayon kay Joy ay, “Mananalo po siya ng 500 thousand. May cash, may contract. Tapos meron po silang STI four-year course. Tapos magkakaroon siya ng isang Honda motorcycle.” Nonie Nicasio

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply